Shaina Magdayao, bantay-sarado ng Star Magic para ‘wag magsalita
John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, lantaran na ang relasyon?!

ADVERTISING

<b>Shaina Magdayao, bantay-sarado ng Star Magic para ‘wag magsalita</b><br> John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, lantaran na ang relasyon?!

<b>Shaina Magdayao, bantay-sarado ng Star Magic para ‘wag magsalita</b><br> John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, lantaran na ang relasyon?!

MULA SA Amerika, deadma lang si Derek Ramsay sa balitang obvious na ang relasyon ngayon nina Angelica Panganiban, na dati niyang girlfriend, at John Lloyd Cruz.

Hindi na raw ngayon itinatago nina John Lloyd at Angelica ang tunay na relasyon na siyang tunay na dahilan kung bakit bantay-sarado ng mga road mana-ger si Shaina Magdayao. Anytime daw kasi ay willing itong magsalita sa hiwalayan nila ni John Lloyd.

Kung mapapansin, saan mang okasyon naroon si Shaina ay higit pa sa apat na tao ang nakabantay rito, dahil iniiwasan ng Star Magic na magsalita ang aktres hinggil sa ginawang “pang-aahas” ni Angelica sa dating katipan.

ADVERTISING

Mula sa aming source, bagay naman daw talaga sina John Lloyd at Angelica, dahil laging lasing ang mga ito at likas ang pagiging lasenggero at lasenggera ng dalawa, kaya marami silang compa-tibility sa kanilang buhay.

“Diyos ko, ‘Day! Kung si Angelica at John Lloyd siguro ang magkakatuluyan, siguro babaha ng alak sa kanilang bahay,” natatawang sabi ng aming source, kung saan ay tsinika nitong madalas daw ngayon si Lloydie sa condo ni Angelica.

“Feeling ko, kaya hindi magkasundo noon sina Derek at Angelica dahil hindi naman tomador si Derek,” pagwawakas ng aming kausap.

 

NAKAUSAP NG Pinoy Parazzi si Anita Linda at ayon sa 88-year old veteran actress, naniniwala siyang may reincarnation.

“Well, naniniwala ako d’yan at kung sakaling ako ay mamamatay at mu-ling mabubuhay, gusto ko, much better sa buhay na meron ako ngayon. Ayoko ‘yung aktres lang ako. Gusto ko ‘yung makakatulong ako sa maraming tao at mas magiging worthy ang aking buhay rito sa mundo.”

Ayon kay Ms. Anita Linda, hindi naman daw niya pinagsisihan ang naging buhay niya sa mundo. “Gusto ko lang talaga ‘yung mas malawak ‘yung maging role ko sa aking pamilya at sa society natin.”

Aminado si Miss Anita Linda na nagi-ging masasakitin siya nitong mga huling linggo. “Siguro ito ay bunga na rin  ng   aking edad. My, God, 88 na ako! Hahaha!”  Pagwawakas ng aming kausap.

 

GALIT SI Nora Aunor sa katotong Pilar Mateo. Ayon sa kampo ni Nora ay hindi raw makatao ang ginawang pambubulgar ng dating PR ng superstar.

“Excuse me! Hindi ako magsasalita ng hindi totoo, ‘no!” Sabi ni Pilar sa amin, na ayon pa rin sa kolumnista, hanggang ngayon daw ay hindi pa rin niya binubura ang text ng Superstar, kung saan ay na-ngungutang ito ng sampung libong piso.’

<b>Shaina Magdayao, bantay-sarado ng Star Magic para ‘wag magsalita</b><br> John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, lantaran na ang relasyon?!

Sa kabilang banda, sinabi ni Nora Aunor na hindi niya itinatanggi na tinext nga niya si Pilar. Ang masakit lang daw sa Superstar, bakit kailangang gawin iyon ni Pilar gayong itinuring niya itong kaibigan.

Aminado ang Superstar na nasaktan siya sa balita, at iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit nagmadali siyang bumalik ng Pilipinas, bukod pa sa may mga commitments itong dapat tapusin partikular na sa TV5.

Samantala, bigo ang TV5 sa inaasa-hang magandang boses na maririnig kay Mama Guy matapos na ito ay magpagamot sa Amerika. “Wala pa ring nabago sa boses niya, wala pa rin ‘yung boses ng Superstar na siyang dahilan kung bakit minahal siya sa industriya,” sabi ng aming kausap.

Bagama’t bigo ang TV5 na muling marinig ang magandang tinig ng Superstar, bibigyan pa rin nila ng programa ang aktres na tulad sa kanilang naging kontrata. “My God! Need nang mag-work ni Nora, dahil ang dami-dami na niyang na-advance na datung, ‘no!” Sabi naman ng isang writer-talent manager. Tsuk!

 

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING