Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz, kapansin-pansin ang PDA?!

Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz,  kapansin-pansin ang PDA?!Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz,  kapansin-pansin ang PDA?!PAREHONG DEADMA LANG sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao sa balitang may mga nakakita sa kanilang dalawa na very sweet nga umano sa isa’t isa habang magkasama sa isang resort sa Boracay.  Ayaw rin nilang magpa-interview sa press para makaiwas na matanong tungkol dito.

Nauna raw ang dalawa sa Boracay ng ilang araw bago magsidatingan ang iba pang Kapamilya stars para sa taping ng summer special ng ASAP. March 18 pa lang daw ay may mga nakakita na umano kina Shaina at John Lloyd sa lobby ng Shangri-La Boracay Resort & Spa. Sa isang villa raw sila umano nag-check-in at nagtuloy sa north wing kung saan naroon ang deluxe rooms.

Sunod na namataan daw ang dalawa na magkasama sa beach front na kapansin-pansin diumano ang kanilang PDA (public display of affection) habang nagbibilad sa araw. Gano’n pa man, medyo naging mailap pa rin daw sa mga tao ang mga ito at naging very visible lang sa rehearsal at mismong taping ng ASAP last Sunday, March 21. Kinabukasan naman, nakita silang paalis na ng resort pabalik sa Manila.

Bago ang pagsasama nila sa Boracay, nauna nang nakita rin together sina Shaina at John Lloyd sa isang bicycle shop sa Edsa Shangri-La Plaza Mall. At habang nananatiling tikom ang bibig nila at ayaw magpa-interview, patuloy namang tumitindi ang haka-hakang nagkakamabutihan nga sila dangan at ayaw pa talaga nilang ilantad ang tunay na namamagitan sa kanilang dalawa.

Right naman nina Shaina at John Lloyd kung gustuhin nilang ilihim ang real score between them. Pero hanggang kailan? Magaya kaya sila sa ibang pasikretong nagkaroon ng relasyon at umamin lang kung kailan nag-break na?

Wait na lang natin ang susunod na kabanata sa rumored Shaina-John Lloyd love affair.

ANUMANG PAKIUSAP AT panawagan ang gawin ni Anne Curtis tungkol sa mga nagpakalat sa internet ng photo at video na kuha sa taping ng opening number for ASAP summer special kung saan aksidenteng lumuwa ang kanang boobs niya, hindi na mapipigil na pagpiyestahan ito ng marami. Understandable kung labis niyang ikinasama ng loob ito. Pero ando’n na, eh.

Dapat magpakatatag na lang si Anne. Sikaping ma-overcome niya ang tungkol dito. Pasasaan ba’t lilipas din ito.  Magsasawa rin ang lahat sa photo at video na ‘yon. And then no more. Makakalimutan na ito ng publiko.

Gaya ng nangyari sa kaso ng iba pang mga artistang nagkaroon din ng ganitong eskandalo. ‘Yong iba nga has been into a much even worst na scandal pero nakatawid sa matinding kontrobersiya at ngayon ay okey na.

Mahirap sa umpisa. Pero siguro naman, Anne will have enough strength to be able to move on. Kahit sa pakiramdam man niya ay nabalahura ang kanyang pagkatao dahil sa nangyari, people will always see her bilang isang mabait at disenteng babae dahil gano’n siya nakilala at hinangaan ng marami.

Mismo!

KUWENTO NG ISANG kaibigan naming movie reporter din, naloka raw siya sa drama ng isang gay TV executive na tila nagsisimula na raw manligaw at nai-inlove diumano sa isang guwapong miyembro ng Starstruck batch 5.  Sa taping daw kasi ng isang programa kung saan guest ang mga ito, biglang sumulpot doon ang gay executive.

Dahil hindi pa isinasalang para sa kanilang dance number, panay raw ang hila at chika sa isang sulok ni gay executive sa guwapong Starstruck 5 member na halos ayaw nang bitawan ang kamay ng huli. Hanggang marinig na lang daw ng friend naming reporter ang dayalog nito sa tonong pa-girl na pagkalambing-lambing na, “Wala akong car ngayon, eh. Hatid mo naman ako mamaya!”

Oo naman daw agad ang sagot ng guwapong bagets. Siyempre, pakikisama na rin siguro… how could he say, ‘no’?

Pero sa ganang amin, hindi naman kaintri-intriga o dapat lagyan ng malisya kaagad kung may gano’ng emote man ang nasabing gay executive. Hindi naman porke nagiging malapit na siya sa guwapong produkto ng artista search ng GMA 7, eh, pinagnanasaan na niya ito.

Ayaw ng president at CEO at President ng Channel 7 na si Atty. Gozon ng gano’n, ‘no!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan