Shaina Magdayao, gustong makilala nang husto ang anak ni Piolo Pascual

ADVERTISING

Shaina Magdayao, gustong makilala nang husto ang anak ni Piolo Pascual

Shaina-Magdayao-Piolo-PascualSA KABILA ng ilang beses na naming nakikitang laging magkasama at magka-holding hands sila Piolo Pascual at Shaina Magdayao gaya sa ASAP para sa 60 years ng Kapamilya Network, at sa katatapos na benefit show ng Kapamilya Network para sa mga biktima ng bagyong Yolanda, ang “ABS CBN Presents: Tayo Na, Tabang Na, Tulong Na! An All Star Benefit Show”, consistent pa rin ang aktres sa pagsasabing magkaibigan pa rin silang dalawa ni Piolo.

ADVERTISING

Ayon kay Shaina, sadyang sweet lang at gentleman talaga ang aktor kung kaya’t lagi itong nakaalalay sa kanya lalo’t injured pa ang kanyang kanang paa dahil sa naaksidente siya sa production number niya sa ASAP ilang linggo na ang nakalilipas.

Tinanong din namin kung personal na niyang na-meet si Iñigo, anak ni Piolo. Hindi pa pala sila personal na nagkikita ni Iñigo dahil busy ang sked nito at laging nasa Amerika, kung saan ito namamalagi at nag-aaral. Pero kung mabibigyan daw ng tiyansa, gusto niya itong personal na makilala.

Nakahinga na rin nang maluwag dahil nakita na ang kanyang lola na naninirahan sa Tacloban at ngayon ay nasa kanila na ito, may ilang mga kamag-anakan pa lang ang hindi pa nila nakikita at nakauusap. Pero labis-labis ang pasasalamat ni Shaina na nasa kanila na ang kanilang lola na sa edad nito ay na-trauma sa nakitang pananalanta ng bagyong Yolanda.

ADVERTISING

Shaina-Magdayao

SA PRESSCON ni Cristine Reyes para sa pagpasok ng karakter niya sa seryeng Honesto bilang nurse na mag-aalaga sa karakter ni Paulo Avelino sa istorya at mahuhulog ang loob dito, inamin ng aktres na binalak din pala siyang regaluhan ng ex-boyfriend na si Derek Ramsay ng kotse nu’ng sila pero siya mismo ang tumanggi.

Ipinaliwang sa amin ng aktres na hindi sukatan para sa kanya ng pagmamahal ang mamahaling mga regalo, kung love letter at bulaklak pa ang niregalo sa kanya ng hunk actor, mas kikiligin siya gaya ng ibang tipikal na mga babae.

Sa kabila ng break-up nila ni Derek, napanatili pa rin nila ang pagiging matalik na magkaibigan na siya namang pinagmulan nila bago naging sila. Hindi rin sila nagkaroon ng ilangan sa isa’t isa at masaya pa rin sa set ng Trophy Wife kung saan magkapareha sila ng ex.

Ikinuwento ni Cristine na pagkatapos ng kanilang paghihiwalay ay lumabas pa sila kasama ang ilang mga kaibigan, maayos ang kanilang paghinhiwalay kung saan napanatili pa rin nila ang pagiging matalik na magkaibigan.

Nang tanungin namin kung bukas pa ba siya sa pakikipagbalikan sa aktor, nagbigay-pahayag si Cristine na hindi siya nagsasarado sa anumang posiblidad lalo’t wala namang nakaaalam sa kung ano talaga ang mangyayari sa hinaharap. Klinaro rin na hindi ang pagiging malapit pa rin sa mga exes niya ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Derek. Ipinaliwanag ng aktres na sa simula pa lang naman ay alam na ni Derek na kaibigan niya talaga ang lahat ng kanyang mga dating naging boyfriend at malapit pa rin siya sa mga ito.

Sa kabila ng walang boyfriend, masaya sa buhay niya sa ngayon si Cristine. Kung dati ay pasok na lang siya nang pasok sa pakikipagrelasyon, ngayon ay ine-enjoy niya ang pagiging single at malaya kung saan ang pokus at pinagbubuhusan niya ng panahon ay ang kanyang showbiz career. Excited at masaya na parte na siya ngayon ng Honesto na mainit na tinatanggap ng publiko dahil sa ganda ng tinatakbo ng istorya at sa napapanahon nitong tema ng tungkol sa katapatan.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING