Sey raw ni DJ Mo Twister Rhian Ramos, sex lang ang habol!

Sey raw ni DJ Mo Twister Rhian Ramos, sex lang ang habol!

Sey raw ni DJ Mo Twister Rhian Ramos, sex lang ang habol! OLA CHIKKA now na! oh, no… oh, yes… now na! ‘Yan ang simulang hindi puwedeng magbago, haha! ‘Pag walang ola chikka, it means hindi si Tita Swarding itey, ‘di ba?! Kaya naman thanks God it’s Friday, more chikka, more fun na naman tayo, at isang bonggang eksenang chikkahan dahil maloloka ka talaga sa Earth!

Itong si Grace Lee ay hindi na napigilan at nag-resign na sa program slot niya sa Magic 89.9, after namang matsugi ni Angelicopter.

Ang ikinalulungkot ng management, bakit kaya ito nag-resign? Hindi naman daw nila maitatago na lumakas talaga ang programa ng 89.9, lalo na ang time slot niya nang ma-link siya kay President Noynoy.

Hard iwas naman talaga si Grace sa isyu kung bakit napilitang siyang umalis at mag-resign sa program slot niya. Pero hindi pa naman daw siya totally nag-resign sa radio station. Maloloka ka talaga sa Earth, ‘di ba?!

 

ANOTHER CHIKKA na naman ito at mukhang hindi na kayo magugulat sa chikkang itey. Isa rin sa dating taga-89.9, haha! Kaloka!

Si Mo Twister, masahol pa sa mga garapal na bakla dahil sa sinabi niyang sex lang ang habol ni Rhian Ramos sa kanya. Whaaaaat?! Grabe! As in over my dead beautiful body!

Hindi ito gawain ng isang tunay na lalaki na kiss and tell. Kasi sinabi niyang sex lang daw ang gusto ni Rhian, at dahil ‘yun lang ang gusto, kaya totally nagpalaglag daw itong si Rhian. Puro sarap, ayaw ng responsibilidad. ‘Yan ang laman ng tweet ni Mo.

Ang tanong: Siya ba, ginawa niya ba ang responsibilidad niya sa kanyang anak na special child kay Bunny Paras? Parang hindi pa talaga siya maka-move on.

Alalahanin ni Mo na may nanay din siya or kapatid na babae, at ganu’n na lang na wala siyang respeto sa mga babae. Nakakatakot itong baklang Mo, kung may papatol pa sa kanyang babae tulad ni Rhian na ayaw tantanan ng mga intriga.

At may pahabol pa siyang sinabi kay Rhian na murderer daw ito? Bitter na bitter siya, ‘te… hanggang ngayon, ‘di pa rin maka-move on… hahaha!

Sey raw ni DJ Mo Twister Rhian Ramos, sex lang ang habol!

BLIND ITEM: Sino siya? Sino kaya itong young actress na hindi mabitaw-bitawan ng blind item at ubod ng arte kahit saang banda ng katawan?

Napakasama niya at ubod ng yabang, samantalang pinagtatawanan naman siya ngayon ng mga kasama niya sa showbiz world dahil mumurahin lang naman lahat ng gamit niya. Karamihan daw ay plastic lang naman tulad daw ng ugali nito dahil ubod din daw ito ng plastic!

Naku, ‘te… bakit hindi na ubod ang gawin mong teleserye nu’ng ikaw ay katorse pa lang… haha!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding