SEY NI SUE RAMIREZ: “Hindi pagpapaseksi ko sa ‘Cuddle Weather’ ang dahilan ng hiwalayan namin ni Joao!”

ADVERTISING

SEY NI SUE RAMIREZ: "Hindi pagpapaseksi ko sa 'Cuddle Weather' ang dahilan ng hiwalayan namin ni Joao!"

SEY NI SUE RAMIREZ: "Hindi pagpapaseksi ko sa 'Cuddle Weather' ang dahilan ng hiwalayan namin ni Joao!"
Sue Ramirez

AKALA ng marami, ang character ni Sue Ramirez ang dahilan ng hiwalayan nila ng BoyBand PH member na si Joao Constancia matapos ang halos na dalawang taon nila na pagmamahalan.

ADVERTISING

Nilinaw ng aktres na hidi ang role niya as” Adela Johnson” na isang sex worker (prostitute) ang rason kung saan for the first time ay todo pa-seksi ang aktres.

As a prosti na role niya sa pelikula ni Direk Rod Marmol at kabilang sa walong official entry para sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino ng FDCP, hindi maiiwasan na sandamakmak ang mga sexy scenes ni Sue as a prosti. Iba’t ibang kaparehang lalaki bukod sa kapareha na si RK Bagatsing to establish her character.

Tungkol sa role niya, may paliwanag si Sue tungkol dito: “Hindi ako at all nag-hestitate na gawin ito. Nung nabasa ko na yung script, kailangan kasi talagang pagkatiwalaan mo yung mga tao na makakatrabaho mo at hindi ako nahirapan na gawin yun dahil they really made it a safe working environment for me and for RK.

ADVERTISING
SEY NI SUE RAMIREZ: "Hindi pagpapaseksi ko sa 'Cuddle Weather' ang dahilan ng hiwalayan namin ni Joao!"
RK Bagatsing and Sue Ramirez in ‘Cuddle Weather’

“So, we really didn’t have any hesitations in doing the film. Ako naman go, go, go ako. Wala naman akong malisya sa katawan. May takip naman yun,” she explained.

Dagdag ng aktres: “Pareho nga kami ni Adela na may mga natutunan.

Nang tanungin ang dahilan ng break-up nila ng boyfriend: “Wala na akong sagot dun. Depende na yun sa kanya,” na sa binitawan niyang sagot, tila may isyu pa na dapat i-clear ang dating magkarelasyon dahil may hanging questions pa.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING