SEY NI DIREK JASON PAUL: “Perfect sina Jameson at Janella sa pelikula ko!”

ADVERTISING

SEY NI DIREK JASON PAUL: "Perfect sina Jameson at Janella sa pelikula ko!"

SEY NI DIREK JASON PAUL: "Perfect sina Jameson at Janella sa pelikula ko!"
Jameson Blake and Janella Salvador

HINDI kailangan na magka-loveteam sina Janella Salvador at Jameson Blake na siyang nakasanayan ng publiko para magkaroon ng sarili nilang romance movie tulad ng “So Connected” na dinirek ni Jason Paul Laxamana na palabas na come Wednesday, May 23. 

Ito rin kasi ang paniniwala ni direk na ang gusto niya sa pelikulang obra niya about “soulmates” na ang mahalaga ay magagaling ang mga artista niya reason kung bakit sina Janella at Jameson ang pinili niya na magbida sa film project niya na produced ng Regal Entertainment.

Based on the trailer, maganda ang chemistry ng dalawa. Ang ganda at ang guwapo ng  ng mga bida bukod pa sa both ay magagagaling na mga artista.

“I want the stars of my film to be actors kaya no regrets,” pahayag ni direk at hindi naman siya nagkamali. 

ADVERTISING

Mabuti at supportive ang mga ElNella (Elmo and Janella) fans na suportahan ang idol nila kahit hindi si Elmo ang kapartner ng dalaga.

SEY NI DIREK JASON PAUL: "Perfect sina Jameson at Janella sa pelikula ko!"
Direk Jason Paul Laxamana with the stars of ‘So Connected’

Post ng isang netizen recently: “We want our Janella to be a respected artist. May ibang fans lang talaga na maramot at hindi nakakaintindi. Hindi sa lahat ng pagkakataon when it comes to work ay palagi si Elmo ang makakapartner niya.

We do understand. Kaya yong nagpapakilala na ElNella fans na nagbash  kay Jameson, alam kong hindi galling sa amin ‘yun. Madaming mga trolls pretending to be ElNella fans para masira ang mga idols namin.

“We’re sorry for Jameson. We promised susuporta kami sa ’So Connected’,” pagtatapos ng isang solid ElNella fans sa kanyang IG posting.

 

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING