SEY NG MANAGER… BARON GEISLER, NASA REHAB NA!

ADVERTISING

SEY NG MANAGER… BARON GEISLER, NASA REHAB NA!NAKAUSAP NAMIN ANG manager ni Baron Geisler na si Arnold Vegafria, nilinaw niya ang balita na umano’y hindi totoong nagpa-rehab si Baron. “Walang katotohanan,” sabi niya. Nasa isang rehabilitation center daw ito sa Mandaluyong.

Kumuha ng mga series of test si Baron tulad ng drug test na nag-negative, even AIDS test. Nagpositibo naman siya sa alcohol test. Ginawa ang tests para sa pagpapa-rehab ng binata. Sa katunayan, merong hawak na mga admission paper si Arnold na nagpapatunay na nasa isang rehabilitation si Baron, 30 days ang itatagal nito.

ADVERTISING

Nilinaw din ni Arnold na walang pambayad si Baron sa pagpapa-rehab. Nu’ng hindi pa nagyayari ang issue sa aktres na si Cherry Pie Picache, nagpapagawa ito ng bahay para sa kanyang ina. Itinigil lang muna niya ito para ipambayad sa pagpapa-rehab.

Sa mga nang-iintriga kay Baron, sana ay itigil na nila ang mga mapanirang kuwento. Hopeful daw ang binata na maaayos ang lahat at gagaling ito para makabalik sa trabaho.

SOBRANG MASAYA SI Patrick Garcia dahil daddy na ang tawag ni Alex Jazz sa kanya, anak nila ni Jennylyn Mercado. Natutuwa raw ang binata na maluwag na ang aktres sa pagpapahiram ng kanilang anak. Madalas daw itong nasa kanya. Ayos na rin ang relasyon ng dalawa.

ADVERTISING

Tinanong namin si Patrick kung totoong may karelasyon ito ngayon. “Mahirap ang complicated, wala pa. Hindi totoo ‘yun,” ang kanyang naging tugon .

SA ISANG PANAYAM kay Tirso Cruz III, na-mention niya na hindi na siya masyadong excited makatrabaho si Nora Aunor pagbalik nito. Hindi na raw exciting sa kanya ang mga drama na mababaw. Dapat daw ay isang malaking production kagaya ng Moulin Rouge kung magsasama sila ni Ate Guy. Baka hindi na rin daw maka-relate sa kanila ang mga kabataan ngayon.

Kasama si Tirso sa isang programa ng Kapuso network na ang kanyang role ay isang drag queen. Pinagtatawanan daw siya ng kanyang pamilya, pero very supportive ang mga ito lalo na ang wife niya na tinuturuan pa siya kung paano kumilos-babae.

Parazzismiz
By Maica Tidila

ADVERTISING