Sey ng direktor: alalay ng sexy star, mas marunong pang umarte!

NAKAKATAWA ‘YUNG ISANG direktor. Ginamit niya sa ilang eksena ang alalay ng isang sexy star sa pelikulang ginagawa nito. At tawa nang tawa si Direk. Ang husay raw gumanap ng malusog na alalay.
Kaya ang dayalog nito, “Sana, ikaw na lang ang nagtuluy-tuloy sa pag-aartista, ‘no? Mas mahusay kang umarte kesa sa amo mo. Hahaha!”
Alam naming joke lang ‘yon ni Direk. Pero alam n’yo naman ang joke, half-meant ‘yan. Ang dami na rin naming naririnig na hindi raw talaga marunong umarte ang sexy star at talagang pipigain pa ‘to nang husto para lang makaarte nang tama.
Pero maganda naman ang mukha ng sexy star na ‘to, in fairness. Sa ganda ng mukha, kinukuha na rin sa mga commercials. Pagtitiyagaan lang talaga ni Direk para makuha nito ang tamang facial expression at tamang akting.
Kaya sana, ‘wag natin siyang pagsarhan ng door, ‘di ba?

(By Ogie Diaz)