SEXY, TALENTED AND OPINIONATED: Nathalie Hart, pinatunayan ang pagiging aktres sa “Sin Island”

ADVERTISING

SEXY, TALENTED AND OPINIONATED: Nathalie Hart, pinatunayan ang pagiging aktres sa "Sin Island"

SEXY, TALENTED AND OPINIONATED: Nathalie Hart, pinatunayan ang pagiging aktres sa "Sin Island"
Nathalie Hart

NAKAKATUWANG pakinggan ang sagot ni Nathalie Hart sa blog conference ng “Sin Island” earlier this afternoon. Tinanong kasi ang sexy actress kung ano ang masasabi niya na for years ago, tinatawag siyang ‘starlet’ ng mga tao at dahil sa performance niya sa bagong movie niya with Xian Lim at Coleen Garcia at napatunayan niya na karapat-dapat siyang tawaging “actress”.

“Okey lang…” kaswal na sagot ni Nathalie habang nagtatawanan ang mga tao. “Like… I really don’t care kung ano ang sabihin nila sa akin kasi for me, I’m just doing my job. 

“So kung starlet, bomba, great actress.. Tseh, I’m doing my job! I’m earning money so I don’t really care! I’m not doing anything wrong and I’m doing something proper so go kung anuman ang sabihin nila sa akin.” palabang sagot ng Fil-Australian beauty.

Tila napagod na si Nathalie sa paulit-ulit na tanong sa kanya tungkol sa pagpapaseksi. Napakakonti lang kasi ng mga artistang kayang gawin ang ginawa nito sa pelikula (you have to watch it to find out.. basta steamy!). Deadma na lang daw siya sa mga umiintriga sa kanya. 

ADVERTISING

Ginaya pa nito ang ilan sa mga artista na pabebe kung sumagot. Ibang-iba si Nathalie. Love or hate her. Take it or leave it.

SEXY, TALENTED AND OPINIONATED: Nathalie Hart, pinatunayan ang pagiging aktres sa "Sin Island"
Nathalie Hart

Nilinaw din nito na kaya siya tumanggap ng indie films noon kung saan required siya to show some skin ay dahil sa kahit may mainstream films siya noon with Regal Films, never siya nabigyan ng main role. It’s either she’s the best friend or the kontrabida. Sinabi rin niya na may magandang kinalabasan naman ang paghuhubad niya sa pelikula dahil ngayon nga, February pa lang pero pasabog na ang kanyang movie with Star Cinema. May two films siyang ginagawa ngayon na parehong for General Patronage.

Personally, I am happy for Nathalie Hart. Sa Starstruck 5 kasi noon when she was still known as Princess Snell (with Rocco Nacino and Sarah Lahbati among others), isa siya sa mga palaban, sexy with comedy timing at alam mong may patutunguhan ang career kung mabigyan ng magagandang material.

 

 

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

ADVERTISING