Sexy starlets Sabrina M at Krista Miller, walang special treatment sa kulungan

ADVERTISING

 alt=

Photo from QCPD PIO
Photo from QCPD PIO

Nilinaw ng Quezon City Police District (QCPD) na hindi nila binibigyan ng anumang special treatment ang mga sexy starlets at mga modelo na naaresto dahil sa illegal drugs at kasalukuyang nakakulong sa Camp Karingal.

Sa inilabas na litrato ng QCPD Public Information, makikita sina Sabrina M. at Krista Miller, kasama ang iba pang modelo na nagbubunot ng damo sa vegetable garden sa Camp Karingal.

Ayon kay QCPD Chief S/Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar sa mga lumabas na report, bahagi ng detoxification process ng mga naarestong suspek ang kanilang ginagawa habang naghihintay ng court order para sa paglilipatang kulungan.

Ani Eleazar, “Habang naghihintay ng commitment order para sa jail facilities na kanilang pupuntahan, nag-detoxify sila ngayon, gardening and then exercise, then nagpapaaraw.”

ADVERTISING

Paglilinaw pa ng hepe, “No special treatment. Talagang nakulong sila, talagang selda ang pinupuntahan nila. May time naman talaga na pinapag-exercise sila para lumabas sila at maarawan, which is kailangan namang ginagawa sa mga detainees. Magkakasama sila, ang mga nahuli natin na celebrities and high-profile targets na binabantayan natin.”

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING