Sexy star, pinagsabay-sabay ang 5 boyfriends

SINO ITONG sexy star na umabot sa limang boyfriends ang napagsabay-sabay niya sa isang panahon?

Hindi basta boyfriend ang tinuhug-tuhog niya. May politician, actor, businessman,basketball player, at doktor.

Kalokah, ‘di ba?

Sobrang sexy naman kasi niya at nagamit niya ‘yun para maging mas stable ang kanyang kabuhayan. Kung sa bagay naman, marami ang umaasa sa kanyang kinikita.

Yes very wise siya  at ngayon na medyo mahina na ang kanyang kita, puwede naman na siyang mabuhay nang masagana.

Hindi malilimutan ni Sexy star na minsan isang gabi ay nagsabay si politician at basketball player na dumalaw sa kanya.

Nangatog sa nerbiyos si Sexy star dahil nagsalita raw si Politician na kapag pinapasok ni Sexy star si Player ay babarilin ito ni Politician.

Sino sila? Hahahahahaha! Hay, pag-ibig nga naman…

Clue? May kapangalan siyang artista at singer… ‘Yun lang!

By Fernan de Guzman