Sexy Star, nag-iingay ulit dahil sa pande-deadma ng sikat na male personality!

ADVERTISING

Sexy Star, nag-iingay ulit dahil sa pande-deadma ng sikat na male personality!Sexy Star, nag-iingay ulit dahil sa pande-deadma ng sikat na male personality!Ang pande-deadma ng isang sikat na male personality ang dahilan kung bakit ngayon e, sobrang open na ang sexy star sa pagku-kuwento tungkol sa kanyang bagong negosyo sa ibang bansa. Para mas malinaw, i-rewind natin ng konti ang history ng kuwentong ito.

Bawal ang relasyon ng dalawa pero masyadong generous ang sikat na male personality kay sexy star. Hindi pa putol ang communication noon ng dalawa kaya mahigpit na Ipinagbawal ni male personality kay sexy star ang pagpapa-interview.

ADVERTISING

Pero ngayong hindi na sinasagot ni male personality ang mga text messages at tawag ni sexy star at ng kanyang mga parents e, detalyado na kung magkuwento ang girlet tungkol sa kanyang negosyo sa ibang bansa.

Sabi nga sa amin ng kanyang mga ka-Facebook, pino-promote daw ni sexy star ang kanyang bagong shop at iniimbitahan pa ang kanyang mga friends na dalawin ang naturang shop kapag nagpunta sila sa bansang ‘yon.

Minsan, tinanong siya sa Facebook ng isa niyang close friend kung ang sikat na male personality nga ang nagbigay sa kanya ng puhunan sa negosyong ‘yon at wala pa raw ilang oras ay sumagot raw ito sa kanyang personal inbox ng ‘yes’.

ADVERTISING

Hmmmm… ewan lang pero ang feeling namin, kung magtutuloy-tuloy pa ang pande-deadma ng sikat na male personality sa girlet na ito e, siguradong magsasalita na siya ng detalyadong istorya tungkol sa kanilang bawal na relasyon pagkatapos ng big bout nina Mosley at Mayweather sa May 2… getz?!

HAY, SALAMAT!

‘Yon daw ang sabay-sabay na nasabi ng Loco Moco University cast nang nawala bilang isa sa mga regulars ang pamangkin ni Robin Padilla na si Krista Solivan dahil nawala na rin daw ang stage mother nito na matagal nang nambu-bully ng mga baguhang artista.

Matagal na naming naririnig ang kuwentong ito at hindi namin ini-expect na isa ring regular sa gag show na ‘yon ang magsusumbong sa amin tungkol sa ugaling ‘yon ng nanay ni Krista.

Bukod sa tinatakot at binu-bully raw ng mommy ni Krista ang mga baguhang guests sa gag show na ‘yon e, pinapaulanan din daw niya ng panlalait ang ina-anticipate niyang threat sa kanyang anak. Pati nga raw ang ilan sa mga regulars ng Loco Moco e, hindi nakalalagpas sa mommy ni Krista.

Ang akala nga raw ng ibang mga artista du’n e, sobrang lakas ng kapit ni mommy sa mga executives ng TV5 kaya tino-tolerate ng production ang kanyang masamang ugali.

Mabuti na nga lang daw at nawala na ang mag-ina sa TV5 at nakahinga na nang maluwag ang mga artista ng Loco Moco. Hindi na nga sila nate-tense everytime na nagte-taping sila dahil sa presence ng mommy ni Krista. He-he-he!!!

MALAKI ANG DAPAT na ipagpasalamat ni Kean Cipriano sa BFGF ng TV5 dahil officially ay isa na siyang matinee idol.

Kung dati-rati e, tinitilian siya dahil sa kanyang banda, ngayon e, kinikilig na rin ang mga bagets dahil regular na siyang napapanood sa BFGF every Sunday.

Kaya lang, totoo kaya ang nabalitaan namin sa ilang estudyante ng isang unibersidad sa Recto na nang nag-concert daw ang Calla Lily ay na-turn-off daw sila kay Kean dahil sa kanyang pagiging suplado?

Hmmm…. baka naman nadala lang niya ang kanyang role sa BFGF na isang bratty kaya ganu’n. He-he-he!!!

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

ADVERTISING