Sexy showdown nina Andrea Torres at Solenn Heussaff sa Alyas Robinhood, inaabangan na!

ADVERTISING

Sexy showdown nina Andrea Torres at Solenn Heussaff sa Alyas Robinhood, inaabangan na!

Sexy showdown nina Andrea Torres at Solenn Heussaff sa Alyas Robinhood, inaabangan na!
Alyas Robin Hood lead stars Andrea Torres, Dingdong Dantes and Solenn Heussaff

HABANG tumatagal ay lalong gumaganda ang takbo ng istorya at kulitan sa Alyas Robinhood Book 2. Paano naman kasi, pampatanggal ng stress ang programa. Idagdag mo pa ang mga characters na medyo weird at kakaiba ang trip, pero nakaka-hook abangan.

Si Solenn Heussaff as Iris ang isa sa mga characters na idinagdag sa show (replacing Megan Young’s position as the other leading lady of Dingdong Dantes). Isa siyang socialite dito na may pagka-bratinella with a heart. May mga eksena na halos hubad na siya at halos matsugi na, pero mas concerned siya sa angles niya sa pictures instead of thinking of her safety. Ang kulit!

Sa mga nakakanood ng show, alam natin na hot na hot ang tambalang Pepe-Venus na ang tsika pa nga ay napa-angal si misis. Dingdong Dantes and Andrea Torres work well on screen at ang gusto namin kay Andrea ay wala itong kiyeme sa mga outfit na pinapasuot sa kanya at mga eksena na kailangan ng lakas at pagpapakita ng alindog.

Sa isa sa mga episodes this week, nagkaharap na finally sina Venus at Iris. Super selos ang unaat may pagkasutil at patola naman ang pangalawa. Umabot pa sa punto na nagpasilip ng cleavage ang dalawa, na kailangan pigilan ni Andres (Ruru Madrid) ang child actor na kasali sa eksena. Ang kulit!

ADVERTISING

Kung sa first season ay nagkaroon ng red hot bikini showdown sa pagitan nina Andrea Torres at Megan Young, siguradong may similar scene na niluluto ang GMA-7 for this season. Sa lagay din ng kuwento ay tila magkakaroon din ng love angle sa pagitan nina Andres (Ruru Madrid) at Iris. Sa mga interviews noon, aminado si Ruru na isa sa crush niya sa showbiz ay si Solenn Heussaff.

Panoorin gabi-habi ang Alyas Robinhood for your daily dose of laughter, action and hot babes (and men!) #MoreShirtlessKCMonteroRuruMadridLOL

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

ADVERTISING