Sexy reporter, inginudngod ang dibdib sa ini-interview!

KINSA SIYA? TAWA kami nang tawa sa isang kasamahan namin na nag-iinterview ng mga artista sa isang event. Noong Cosmo Bash lang kasi nangyari ang nasabing nakakatawang eksena, kaya fresh na fresh pa siya sa kanyang memorya.

“Ateng, naloka ako sa isang seksing reporter, lumapit sana kami at mag-i-interview kay ______ (pangalan ng bachelor na nagpakita ng puwet sa show), pero hindi kami makasabay sa interview. ‘Lam mo ba kung bakit? Eh, paano ba naman, sobra siyang close sa ini-interview niya at kitang-kita kong halos ikinukuskos na niya ang kanyang bobilya sa papang ini-interview niya. So, hindi na ako nagbida-bida pa, nag-wait na lang kaming matapos siyang magtanong para kami naman. Alam mo ang ginawa ko, pinakunan ko na lang sa cameraman ko ‘yung eksena para may ebidensiya ako.”

Ayan ha, pulidong-pulido ang kuwento niya. Hindi kami nakadalo sa nasabing event kaya hindi namin nasaksihan ang nasabing eksena. Natawa lang kami dahil may-I-demo pa ang bakla sa kanyang mga nakita. ‘Yun na!

(By Arniel Serato)