SEXY COWGIRL: Jessy Mendiola ipinasilip ang alindog sa bagong pictorial

BAGO pa niya maabot ang the big 30, nagpasabog na agad si Jessy Mendiola sa kanyang latest pictorial.

Bago pa siya naging Mrs. Luis Manzano ay kinilala na si Jessy Mendiola bilang isa sa sexiest celebrities sa bansa. Ilang beses din itong lumabas sa mga panlalaking magazine at nagpaka-daring sa kanyang TV and movie projects.

SEXY COWGIRL: Jessy Mendiola ipinasilip ang alindog sa bagong pictorial
Jessy Mendiola

Ngayon na nalalapit ang kanyang kaarawan ay nag-organize ito ng isang pictorial kung saan kitang-kita ang kanyang alindog bilang isang sexy cowgirl. Yihaa! Suwerte talaga ni Luis, huh! He is so lucky for real!

“Giddy up. It’s been a long time since I had a photo shoot like this,” post ni Jessy sa kanyang Instagram kalakip ang mga nagbabagang mga larawan.

Ayon sa aktres, ito ang kanyang ‘last hurrah’ bago siya tumuntong sa edad na trenta.

Ilan sa mga artistang nagbigay ng kanilang papuri sa nasabing pictorial ay sina Alex Gonzaga, KC Concepcion, Iza Calzado, Meg Imperial at marami pang iba. S’yempre, numero uno d’yan ang kanyang real-life cowboy na si Luis Manzano, na siguradong proud na proud na i-flex ang kanyang asawa.

Noong 2016 ay hinirang na sexiest Pinay si Jessy Mendiola ng FHM Magazine. Well, kitang-kita naman kung bakit, ‘diba?!

Previous articleThings You Didn’t Know About Yeng Constantino
Next articleKAHIT WALANG KARANASAN: Ayanna Misola, tinodo ang pagpapainit sa ‘Kinsenas, Katapusan’