Sipat-eklat #162: Sexy comedienne, sumegwey ng ‘private booking’ sa out of town show!

Sipat-eklat #162: Sexy comedienne, sumegwey ng  ‘private booking’ sa out of town show! SIPAT: IDINI-DISPLAY na ni ARA MINA ang BOYFRIEND niya na si RAYMOND YAP.
EKLAT: HINDI IMAGINARY ‘yan. Pramis!

SIPAT: Sino si RAYMOND? Apo siya ni DON EMILIO YAP na OWNER ng MANILA BULLETIN at MANILA HOTEL.
EKLAT: Wow, GALING sa ANGKAN ng MAYAYAMAN! JACKPOT si ATE!

SIPAT: So, PATAY na ang MANNY PACQUIAO at RICH POLITICIAN ISSUE na IKINAKABIT kay ARA, ha?
EKLAT: MAKATUTULOG na nang MAHIMBING si JINKEE…

SIPAT: May PHOBIA na raw sa BUBONG si CRISTINE REYES.
EKLAT: Kaya ‘yung BAHAY niya… PATATANGGALAN niya na ng BUBONG?

SIPAT: Ay, na-CANCEL agad ang FIRST SHOOTING DAY ng MANO PO 6. HINDI raw kasi UMAAYON sa FENG SHUI. MALAS daw.
EKLAT: Hmmm… NANINIGURO na si MOTHER LILY MONTEVERDE?

SIPAT: Huwaaatttt? WALA pang P3-M ang KINITA ng NANDITO AKO… NAGMAMAHAL SA ‘YO nina ALJUR ABRENICA at KRIS BERNAL.
EKLAT: Kaya siguro ang REGAL MADERAKA, KUMONSULTA na sa FENG SHUI.

SIPAT: TULOY ang KASAL nina KORINA SANCHEZ at MAR ROXAS. Kaya lang, WALA na ang BONGGANG RECEPTION sa ARANETA COLISEUM.
EKLAT: BUONG ‘PINAS ba ang IMBITADO nila?

SIPAT: Sey kasi ni SEN. ROXAS, HINDI raw TAMA na MAGSAYA sila sa kabila ng KALAMIDAD na DINANAS ng ating BANSA.
EKLAT: Uy, PA-POGI POINTS sa mga BOTANTE!

SIPAT: PINALITAN ni HEART EVANGELISTA si KRISTINE HERMOSA sa JUAN movie ni MANG DOLPHY na entry sa FILMFEST ngayong taon.
EKLAT: NAGMAMADALI na silang MATAPOS ang PELIKULA, baka dahil kay KRISTINE, e, MABITIN pa!

SIPAT: Uy, DAMING RAKET naman ni HEART! Sa MANO PO 6, PASOK din siya, ‘di ba?
EKLAT: E, ano kung SECOND CHOICE lang siya?

SIPAT: Kahit na MADALAS na MAKITA na MAGKASAMA sina SAM MILBY at ANNE CURTIS, e HINDI pa raw sila NAGKAKABALIKAN. May BAGONG PELIKULA kasi silang PAGSASAMAHAN.
EKLAT: Yehey, may GIMMICK na naman!

SIPAT: BAKIT daw may HAGULGULAN na sa DARNA? Switching sa DRAMA na raw ba ang PROGRAMA?
EKLAT: NANINIGURO lang. Baka MAUNGUSAN sa RATING ng MAY BUKAS PA sa MEGA MANILA.

SIPAT: Blind Item: RUMAKET sa isang OUT-OF-TOWN SHOW ang SEXY COMEDIENNE. Pero NALOKA ang ORGANIZER dahil nu’ng SET na ng ating BIDA, e, NAWAWALA ito. Kaya pala, SUMEGWEY ang HITAD sa isang PRIVATE BOOKING.
EKLAT: Clue: Uy, EXTRA CHALLENGE ang GINAWA ng SEKSING KOMEDYANA. ‘Di ba?

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service