Sexy Buntis Celebrities

Cristine-Reyes Bianca-Gonzalez-JC-Intal Marian-Rivera Beauty-GonzalesMATATAPANG NA ibinuyangyang ng mga celebrities ang kanilang lumolobong tiyan matapos mabuntis.

Kabilang na rito sina Marian Rivera, Bianca Gonzalez, at Beauty Gonzalez.

Proud mother ang mga ito na walang kiyemeng ipinakita sa madla ang naglalakihang tiyan sa kanilang mga Instagram posts.

Kasama ang mister na si JC Intal, nagpakuha si Bianca ng larawan na naka-two piece lang sa tabing-dagat.

Ganoon din ang eksena ni Marian katabi ang hubby na si Dingdong Dantes sa isang beach sa Palawan.

Nakapanganak na sina Marian at Bianca.

Nag-pose din si Kristine habang buntis ito kasama ang boyfriend na si Ali Khatibi. Lumabas ang baby ni Kristine matapos ang 7 buwan pa lamang nitong pagbubuntis.

Ang post ni Beauty Gonzalez ang pinakadaring sa lahat dahil hubo’t hubad ang kanyang larawan na kuha sa kanyang bed. Side view nga lang, kaya kitang-kita ang bukol sa kanyang tiyan.

Ni JO CAPAREDA