Sexy actress, nagluka-lukahan sa text!

ADVERTISING

KINSA SIYA? SINO itong sexy actress na lukring daw mag-text? Ayon sa kuwento ng aming katsukarang bading, may kaibigan daw siyang staff ng isang show na nag-text sa isang sexy star upang interbyuhin para sa isang topic. Napupudpod na raw ang daliri nu’ng staff ng TV show sa kaka-text sa sexy actress at kakapaliwanag na hindi naman daw negatibo ang pag-uusapan kundi kumustahan lang at tungkol sa isang topic na napapanahon.

Pero nang nag-reply na raw itong si sexy actress, mas nalukring daw ang staff dahil sunud-sunod ang text ng nasabing sexy star, as in, 32 messages daw ito pero puro blangko, walang mensahe. Ipinakita pa raw sa aming impormante nu’ng bading na staff ang mga mensaheng ito at kumpirmado ngang walang laman ang kanyang mga text.

ADVERTISING

Ang tanong tuloy, pinagtripan lang ba ng sexy actress ang staff ng isang TV show, o hindi lang niya sinadyang mapindot ang kanyang cellphone? Or baka naman hindi na ito ang numero ng sexy actress kaya siguro ganu’ng klase ang text, dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot sa request ng staff?

Hay naku, natumbok n’yo na nga kung sino siya, kailangan pa ba ng clue?

(By Arniel Serato)

ADVERTISING
ADVERTISING