Sexy actress Faith Da Silva, paligoy-ligoy sa tunay na estado ng relasyon nila ni Albert Martinez

HINDI PA man pinapalabas ang upcoming afternoon drama series ng GMA-7 na Las Hermanas ay matagal nang usap-usapan ang diumano’y namuong relasyon sa pagitan ng sexy actress na si Faith Da Silva at ang nagbabalik-Kapuso na si Albert Martinez.

Ilang buwan na rin ang usap-usapan na nauwi na raw sa totohanan ang tambalan nina Albert at Faith. Dahil kapos na rin lang tayo sa mga showbiz talk shows (nakakamiss ang Startalk at SFiles! Charot!), umaasa na lang ang mga miron sa mga impormasyon na kumakalat sa social media.

Sexy actress Faith Da Silva, paligoy-ligoy sa tunay na estado ng relasyon nila ni Albert Martinez
Faith Da Silva and Albert Martinez

For the first time ay nag-attempt si Faith Da Silva na klaruhin ang pagli-link sa kanila ng veteran actor, na forty years ang tanda sa kanya (Faith is just 20 years old while Albert is already 60 years old) sa pamamagitan ng programang The Boobay and Tekla Show o TBATS noong Linggo ng gabi.

“Isang deretsahang tanong may kumakalat na tsismis tungkol sa inyong dalawa, ano ang reaksyon mo?” tanong ni Boobay kay Faith.

“Nagulat ako because nung nakita ko yung news na ‘yun, nung nabasa ko or nabasa ko ongoing pa yung lock-in taping namin. So nagulat ako. But it’s not like I didn’t expect it, kasi with our roles, magiging partner ko siya,”

“Siguro nakita ng mga tao na we’re comfortable with each other,” with confidence na sagot ng dalaga.

Ayon sa Las Hermanas star, napag-uusapan na rin daw nila ito ng kanyang kapares sa serye.

“Napag-usapan namin pero in passing lang. Hindi siya yung seryosohan talaga. Parang pinagbibiru-biruan lang namin. Tuksu-tuksuhan lang.”

“Para sa aming dalawa naman kasi professional lang lahat. Walang ilangan,” sambit pa niya.

Inamin naman ni Faith na shocked ang kanyang ina nang marinig ang balitang ‘may something’ ang magka-loveteam.

“Si mama medyo nagulat siya, pero since alam naman namin ano ang totoo, hindi dapat mag-worry ang mga tao,”

Ayon kay Faith, ginagabayan siya ni Albert sa lock-in taping ng Las Hermanas kaya naman mas nagawa nila ang kanilang trabaho bilang mga artista.

Sexy actress Faith Da Silva, paligoy-ligoy sa tunay na estado ng relasyon nila ni Albert Martinez
Faith Da Silva, Yasmien Kurdi and Thea Tolentino talk about Albert Martinez

Kung pakikinggan nang mabuti ang interbyu, walang diretsong sagot si Faith kung sila ba ni Albert ay may relasyon o wala.

Kung sakaling sina Albert at Faith nga, walang masama roon. Biyudo naman si Albert at si Faith naman ay mukhang matured for her age. Bagay na bagay din sila visually at malay natin, baka sa older men nga mas attracted si Faith, ‘diba?

Abangan na lang natin kung kailan sasalang si Albert Martinez sa TBATS!