Sexy actress, diring-diri sa mabahong hininga ng hunk actor!

USAP-USAPAN SA ISANG management office ng isang sexy young actress ang kapareha nitong hunk na may malakas na dating at paborito ng isang network honcho. Nagrereklamo kasi ang young sexy actress sa manager niya dahil sa masamang katangian ng hunk na pinapantasya pa naman ng maraming bading at babae.

“Ano ba ‘yang si —-? Ang baho ng hininga! Hindi ko ma-take na maka-kissing scene! Gusto kong masuka!” Tili ng sexy actress na kilala rin sa pagiging pasaway.

Magkasama pa naman sa isang afternoon soap si Mr. Hunk at si Ms. Sexy Actress. Naalala tuloy namin ang isang sikat na TV host at ang kanyang dyowang sikat na aktres na nang minsang i-blind item namin na kesyo hari ito ng halitongga (halitosis) ay na-conscious na yata. Everytime ay nagma-mouthwash na lang yata. Minsan, natagalan kaming maghintay para interbyuhin ito dahil nag-toothbrush at nag-mouthwash pa nang todo-todo dahil siguro sa takot na ma-blind item uli.

Ganito rin kaya ang mangyari kay Mr. Hunk na tampok sa blind item dito? Lalo na’t numero unong pintasera rin si Ms. Sexy Actress na hindi nagawang ilihim ang mashohong hininga ng aktor. Moral lesson: Hindi sapat ang magandang hitsura. Mas mahalaga siguro ang personal hygiene at mabangong hininga.

‘Yun lang!

by Archie de Calma

Previous articleCelebrity homes, for sale!
Next articleFans’ experience at David vs. David concert ruined by venue

No posts to display