Sexy actress, desperada pagdating sa mga lalaki

ADVERTISING

Sexy actress, desperada pagdating sa mga lalaki

Sexy actress, desperada pagdating sa mga lalakiOLA CHIKKA! NABALITAAN ko nga mula sa aking parazzi girl ang tungkol dito sa hindi magandang lagay ng kalusugan nitong dating councilor ng Pasay na si Jay Justo. Noong nakaraang araw ay nakatanggap ako ng text mula sa butihin kong kaibigan at nagyayang dalawin namin siya sa Manila Adventist Medical Center. Agad ko rin namang nabalitaan na i-feauture siya sa Wish Ko Lang sa mga susunod na araw.

ADVERTISING

Ayon pa sa aking parazzi girl, malubha ang kanyang kalagayan sa sakit sa spinal cord at iba pang findings na sa mga oras ng pagtipa ng balitang ito ay hindi pa lumalabas ang resulta.

Kilala si Jay Justo bilang butihing tao na ‘andyan lagi upang tumulong sa kanyang mga kababayan. Ngunit sa panahong ito, siya naman ang nangangailangan ng ating tulong.

Tiyak na marami ang nalungkot sa balitang ito kaya ang tanging magagawa na lamang natin upang makatulong ay mag-alay ng dasal para sa kanya.

ADVERTISING

AT ANO PA itong naririnig ko tungkol dito sa dating bida sa takilya na madalas manalo bilang best actor na si Dick Israel na mayroon ding malubhang sakit. Ayon sa aking parazzi girl na mula mismo sa loob ng Senate ay nanghihingi raw ang pamilya nito ng tulong para sa operasyon. Ngunit sa pagkakaalam ko, mayaman itong si Dick.

Hirit pa ng aking parazzi girl, malaki-laki na rin ang nagagastos ng pamilya para sa sitwasyon ng actor, kaya naman ngayon ay lumalapit na sila sa Senado upang humingi ng tulong.

Kung totoo man ang balitang ito, nararapat lamang na tulungan natin si Dick at ang kanyang pamilya upang mapabuti ang kanyang kalagayan, dahil hindi biro ang pinagdaraanan nila. Kahit ako mismo ay naranasan ko ang ganyang sitwasyon at masasabi kong napakahirap.

Kaya naman taos-puso akong nagpapasalamat sa mga may butihing puso na walang sawang tumutulong sa akin. Pananalig lamang ang kailangan upang malampasan natin ang bawat pagsubok sa buhay. Wow! Emo ang yours truly.

BLIND-ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong sexy actress na wala talagang pagka-control pagdating sa mga lalaki? Minsan ko nang nakasama ito backstage at hindi niya ako napansin kaya kung makapagkuwento siya sa mga make-up artist du’n ay napaka-wiiiillld!!! Pati posisyon ng kanilang jowa ay detalyado pang ikinukuwento.

Napaka immoral, ‘di ba? Hindi ako nagmamalinis ngunit babae siya, kaya nararapat lamang na kumilos siya nang tama.

At nitong nakaraan ay nabalitaan ko ring siya na mismo ang nanliligaw sa lalaki. Marami nang ganyang sitwasyon ngunit sa kanya ay kakaiba dahil siya na mismo ang gumagastos, magdadala ng pagkain, pupunta sa condo kahit hindi naman iniimbitahan at kung minsan ay walang uwian talaga ang drama ng actress na ito.

Napakadesperada, ‘di ba? O, ano may clue na kayo kung sino?
Itong lalaki ay modelo ng isang beer habang ang desperate actress ay imported mula sa ibang bansa at product ng reality talent search ng isang malaking istasyon.

Gets n’yo na, ‘noh?! Ha-ha!

At nais ko kayong anyayahan na maki-chikka sa amin online mamayang hapon. Hanapin lamang ang PINOY PARAZZI LIVE sa http://www.flippish.com/pinoyparazzi.

At huwag n’yo pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa tita_s2006@yahoo.com. Maraming salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING