Sexy actor na sumikat sa commercial, serbisyo publiko na

ADVERTISING

Sexy actor na sumikat sa commercial, serbisyo publiko naSexy actor na sumikat sa commercial, serbisyo publiko naBLIND ITEM: KINUKUMPLETO pa namin ang listahan ng mga actors na “nagpapahada” at ginagamit nilang venue sa pagpapahada kapag sila’y naiimbitahan sa basketball exhibition sa mga probinsiya.

‘Yung ibang hindi talaga pumapatol sa bading ay mga babae naman ang kanilang hinahanap para “tortahin” nila sa kanilang hotel room.

Sinu-sino ito?

‘Eto’ng sampol. Isang dating sexy actor na sumikat sa commercial ang “nagpapa-book” talaga sa bading. Hindi siya bading, pero ang ginagawa ng bading ay kaya rin niyang gawin.

“Level-up” na ang lolo n’yo. Isa na siyang “serbisyo publiko” as in “service man” na babayaran ng bading, basta ikokops lang nito ang bading. Siyempre, with matching baligtaran pa ‘yan, ‘no!

ADVERTISING

Ang clue?

Ayokong magkaroon ng giyera, kaya hindi ko na babanggitin pa ang kanyang namesung.

“MAGBABALIK PO ANG tinutukan ng marami, ng iba…. ng Showbiz Central at ng The Buzz, ang Paparazzi!”

‘Yan ang sey ni Ruffa Gutierrez bago isara ang first gap ng kanilang show.

Sa amin, naaaliw kami ‘pag dumadayalog ng gano’n si Ruffa. Kasi, may mga times na nakakatawa at nakakatuwa si Ruffa nang hindi niya sinasadya.

Pero ‘yung dayalog na ‘yon ni Ruffa, iba ang interpretasyon ng isang manager na nakausap namin.

“Hindi na sana niya binabanggit ‘yong mga kalabang shows. That’s one sign of bitterness and insecurity.

Merong times naman talaga na sa show nila mag-uumpisa ang isyu at follow-up lang ang ginagawa ng The Buzz at Showbiz Central.

“Meron namang times na ang show din nila ang nagpa-follow up. So hindi araw-araw, Pasko sa Paparazzi.

“Kung  sinasabi lang ni Ruffa na inaabangan ng mga kalabang shows, puwede pa ‘yon, eh. Pero ‘yung mag-mention pa siya ng mga kalabang shows, that’s very unethical. And that’s one sign of bitterness and insecurity.

“Ibig sabihin, hindi pa siya nakaka-move on, masama pa rin loob niya sa The Buzz at gusto niyang iparamdam na merong dapat panghinayangan ang Kapamilya, dahil nasa Kapatid network na siya.

“Parang gano’n ang lumalabas, eh!”

Oh, well. ‘Yan ay opinyon ng aming kaibigang manager. Basta kami, naaaliw kay Ruffa.

HA-HA-HA! NAALIW NA naman kami ni Ruffa Gutierrez sa Paparazzi dahil si Georgina Wilson ay inilalakad niya kay Willie Revillame na isama na nito sa bagong show sa TV5.

Kung dati raw sa Wowowee, nu’ng inaalok ni Willie si Georgina ay hindi pa ito handa, “Ngayon daw, handa na siya, kaya Willie, kunin mo na si Georgina sa bago mong show dito sa Kapamilya Network!”

Ayan, nagkamali tuloy si Ruffa, napayakap tuloy siya sa magkabila niyang pisngi, dahil sa pagkakamali niya.

O, ayan, ha? Talagang tinututukan namin ang Paparazzi at hindi namin ikinakaila.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn kasama sina Rommel Placente, Ms. F at Francis Simeon.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING