SEXIEST LADY SA PRIMETIME: Sanya Lopez, mala-Darna ang dating sa trending swimsuit scene!

HOT NA HOT at trending pa rin hanggang ngayon ang pinag-uusapang pagrampa sa beach with her jaw-dropping sexy swimsuit ang First Yaya lead star na si Sanya Lopez. Maliban sa pagtamo ng 24.2% sa ratings game noong April 22, as of writing ay #1 trending video ang pagrampa ni Sanya na talagang inabangan ng mga manonood.

In fairness, consistent na mataas ang ratings ng First Yaya at dagdag ang pa-bikini rampage ni Yaya Melody para mas lalong makahatak pa ng mga manonood.

SEXIEST LADY SA PRIMETIME: Sanya Lopez, mala-Darna ang dating sa trending swimsuit scene!
Sanya Lopez’ trending bikini scene in ‘First Yaya’

Maliban sa talagang nakakahumaling na pangangatawan ni Sanya, napansin din ng netizens ang kulay ng swimwear nito. Sabi nga ng iba, kulang na lang ay head dress at puwede na itong sumigaw ng ‘Darna!’.

Yes, alam naman natin na ang Kapamilya na ang gagawa ng bagong Darna remake (na ngayo’y kay Jane de Leon na ibinigay), pero isa si Sanya Lopez sa nakalista sa wishlist ng mga fans ng Pinoy heroine. Nasaan na ba raw ang bato at ipalunok ni ito kay Sanya!

With the possibility of being Darna this year out of the way, patuloy naman ang pag-angat ng karera ni Sanya Lopez at sa totoo lang, sa mga kasabayan niya sa Kapuso network ay tila siya ang maaaring sumunod sa yapak ni Marian Rivera sa pagiging Primetime Queen. Si Sanya ay may charisma ng isang relatable teleserye lead na wala sa ibang kasabayan niya. With the right projects, siguradong mas lalo pang magniningning ang kanyang bituin!

Kahit na 32 years ang kanilang age gap ay marami pa rin ang kinikilig sa tambalan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez. Sa next project naman ng dalaga na naumpisahan na rin niya ang taping ay ang si Sen. Bong Revilla naman ang kanyang katambal sa Agimat ng Agila. Hmmm… mabenta ‘ata sa ‘matured’ leading men si Sanya, huh!

Ang wish lang namin for Sanya ay magkaroon ito ng magandang movie lead role. Naging ‘too hot’ kasi ang mga eksena nito sa ‘Wild & Free’ kung saan kasama niya si Derrick Monasterio. Magandang mapanood ito sa isang romance-comedy na kakagatin ng masa.

Anyway, congratulations Yaya Melody! Congatulations Team First Yaya!