Ex-PBB teen housemate Seth Fedelin, malaki ang potensyal na maging big star

ADVERTISING

Ex-PBB teen housemate Seth Fedelin, malaki ang potensyal na maging big star

 

ADVERTISING
Ex-PBB teen housemate Seth Fedelin, malaki ang potensyal na maging big star
Seth Fedelin

FIRST TIME naming nakita nang personal ang dating PBB teen housemate na si Seth Fedelin sa taping ng Kadenang Ginto and he look really good at sobrang lakas ng arrive.

Seth is portraying the role of Mikoy, isang misteryosong karakter sa Kadenang Ginto na magkakaroon ng kaugnayan kay Marga played by Andrea Brillantes.

First time din naming narinig ang speaking voice ni Seth and he reminded me of Daniel Padilla nung nagsisimula pa lang ang aktor. Pareho nga sila ng boses, huh!

ADVERTISING

Dahil nagsisimula pa lang sa showbiz bilang aktor, malaking advantage kay Seth na maikumpara muna kay Daniel. But eventually, siguradong mahahanap din ng binata ang kanyang sariling identity at dito siya mas makikilala ng tao.

With regards sa acting ni Seth bilang baguhan sa Kadenang Ginto ay pasadong-pasado siya.  Hindi mo aakalain na he’s just a newcomer kung paano siya magbitaw ng linya at kumilos. May gift siya, sa totoo lang.

May nabalitaan din kami na maganda ang working attitude nitong si Seth n asana ay tuluy-tuloy lang. Masarap alagaan ang ganitong talento.

Di ba, Mark Coleta at Mario  Colmenares ng Primetime Events Talents na nagma-manage din kay Tonly Labrusca.

Anyway, bukod kina Seth at Andrea, kasama rin sa Kadenang Ginto sina Francine Diaz, Kyle Echarri, Beauty Gonzales at Dimples Romana.

Napapanood ang Kadenang Ginto tuwing Lunes hanggang Biyernes ng hapon sa ABS-CBN pagkatapos ng It’s Showtime.

 

 
 
 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING