Serye nina Zanjoe Marudo, ‘di na pahahabain pa

Serye nina Zanjoe Marudo, ‘di na pahahabain pa

Zanjoe-MarudoLAST TWO weeks na lang pala sa ere ng Dream Dad series nina Zanjoe Marudo, Beauty Gonzales, at Jana Agoncillo. Tapos na ito sa April 17 at wala nang balak ang ABS-CBN na i-stretch ang programa.

Nagsimulang mapanood ang Dream Dad noong November 2014 and since then ay consistent na ito sa ratings. In fact, ang Dream Dad din ang may hawak ng pinakamataas na national ratings na umabot pa ng halos 40 percent, huh!

Sa huling dalawang linggo ng teleserye, tiyak na mas kapana-panabik ang mga susunod na tagpo sa Dream Dad. Dahil din nga pala sa serye ay nagkaroon ng bagong loveteam sa TV na tinawag na Baslex from Baste and Alex. Nakalikha rin ng bagong child superstar ang Dream Dad sa katauhan ni Jana.

Samantala, personal naman na pasasalamatan nina Zanjoe, Jana, at Beauty ang kanilang mga tagasuporta ngayong Linggo (Abril 12) sa espesyal na fans day na inihanda ng Dream Dad. Ito ay gaganapin sa SM City Marilao, sa ganap na 5 p.m.

Malamang na ang bagong series ng Dreamscape na Nathaniel ang ipalit sa Dream Dad. Bida rito sina Shaina Magdayao, Coney Reyes, Gerald Anderson, Pokwang, at marami pang iba.

La Boka
by Leo Bukas