Serye nina Alex Gonzaga at Arjo Atayde, pumalo sa pinakamataas nitong rating

ADVERTISING

Serye nina Alex Gonzaga at Arjo Atayde, pumalo sa pinakamataas nitong rating

Alex-Gonzaga-Arjo-AtaydeWINNER ANG Pure Love! Pumalo sa pinakamataas nitong national TV rating ang programa noong Martes (Agosto 26).

Base sa datos mula sa Kantar Media, nakamit ng romantic drama series ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Alex Gonzaga, Arjo Atayde, Yen Santos, Joseph Marco, Matt Evans, Yam Concepcion, Arron Villaflor at Ana Luna ang national TV rating na 23.5%.

Ito ang pinakamataas nitong rating mula nang umere noong Hulyo. Ang all-time high national TV rating ng Pure Love ay lampas doble sa katapat nitong programa.

Itinampok sa top-rating episode ang pagbabalik ni Ysabel (Yen) sa restaurant na pagmamay-ari ni Dave (Joseph) at ang muntik na pagkakahuli ni Raymond (Arjo) sa lihim ng pagkatao ni Ysabel.

ADVERTISING

Tinututukan ng televiewers ang programa dahil sa kakaibang istorya nito tungkol sa isang babae na kailangang makakolekta ng tatlong pure love tears para muling mabuhay.

Sa social media ay may clamor na ilipat sa mas late na timeslot ang series para mas marami pa ang makapanood pero malabo itong mangyari.

Samantala, bilang pasasalamat, isang masayang fans day ang inihandog ng cast ng Pure Love noong sabado (Agosto 30) sa Marquee Mall, Pampanga na dinumog ng kanilang mga tagahanga.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING