Serye ni Coco Martin, ang lakas maka-bata

ADVERTISING

Serye ni Coco Martin, ang lakas maka-bata

Serye ni Coco Martin, ang lakas maka-bataAFTER ALMOST a week sa panonood ng Huwag Ka Lang Mawawala na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos, kung nasa haybols lang kami at walang appointment sa labas, sinusundan namin ang dalawang Primetime Bida serye ng Kapamilya Network, ang Juan dela Cruz ni Coco Martin at ang serye ni Juday with Sam Milby.

Nagiging bata kami at nag-e-enjoy sa JDL dahil konseptong  “Lola Basyang” (lalo na ang mga kuwento tungkol sa mga  halimaw, aswang, tikbalang at mga fairies). Pero mas aliw ako sa My Little Juan at natutuwa sa kakulitan ng batang bida na si Izzy Canillo.

Sinusundan ko ang kuwento ni Anessa at Eros dahil sa katatagan niya nabago ang karakter ng mga babae sa teleserye kahit sabihin na nating dramang-drama ang mga napapanood natin sa telebisyon (just like Ina, Kapatid, Anak – but in fairness, nag-click at humatak ang rating). No wonder, ang buhay ng Pinoy dramang-drama pa rin.

Sa paglipat ng timeslot ng HKLM on a latter time at ipinasok ang Muling Buksan Ang Puso nina Susan Roces, Dante Rivero at Pilar Pilar kasama sina Agot Isidro, Cherie Gil, Julia Montes, Enrique Gil at Enchong Dee right after JDL, palipat-lipat ang remote control ng TV namin dahil naho-hook na rin kami sa “pang-emote” na kuwento ng dalawang beki sa My Husband’s Lover ng Kapuso Network.

ADVERTISING

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING