Serye ni Anne Curtis, tsustugihin dahil na-pressure ang management?

ADVERTISING

Serye ni Anne Curtis, tsustugihin dahil na-pressure ang management?

Anne-CurtisNAGTAKA ANG production at director ng Dyesebel sa naging pahayag daw ng isa sa cast ng serye regarding sa show na dapat daw hanggang November pa eere ang Dyesebel, pero na-pressure lang daw ang management na i-cut short ito.

Pinasinungalingan naman ng Dreamscape na na-pressure ang management na tapusin na ang serye at nagtaka kung saan nagsimula ang tsismis.

“To clarify, the show is ending because of the fast pace of the story, the full run of the series will be until July. The show is consistently on top of all primetime shows since its launch last March,” say ng Dreamscape.

Ayon pa sa Dreamscape, masaya ang lahat sa pagtatapos ng Dyesebel dahil magtatapos ito na bongga ang ratings and has remained on top.

ADVERTISING

“Alhough the show is doing good, averaging 30% hanggang doon na lang talaga ang story. Kapag in-extend pa, lalaylay na,” say ng source.

Kaya ang Dyesebel ay 3 weeks lang sa ere at masaya naman daw ang cast sa pangunguna nina Anne Curtis, Andi Eigenmann, Ai-Ai delas Alas, Gerald Anderson at Zsa Zsa Padilla dahil sa loob ng 3 buwan ay consistent top-rater ang serye.

Samantalang pabor din kay Anne ang pagtatapos ng Dyesebel dahil makapagko-concentrate na siya sa susunod na project na Gifted.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING