Serye ng prinsesa ng primetime, titigbakin na

BLIND ITEM: Ipinromowt pa naman nang bongga. Pati ‘yung batang leading man, pinaghandaan ang pagsasama nito at ng leading lady na prinsesa sa primetime.

Pero ang sabi ng aming source, “From the original 26 weeks, na bumaba sa 18 weeks, ngayon, one season na lang siya as in 13 weeks na lang ang itatagal niya sa ere.”

Baket?

“Eh, hindi nagre-rate, eh. Halos lahat yata ng tao, du’n nanonood sa kalaban. Eh, nakakahiya ‘yun sa stature ng leading lady, dahil kilalang nagtatagal ang teleserye niya, ‘di ba?

“Tapos ngayon, nawaley. Ewan kung ano’ng diprensiya sa kanya. Kulang siguro sa sincerity ang mukha ‘pag umaarte at ‘pag iniinterbyu na rin.”

Well, gano’n naman talaga ‘pag hindi pumapalo sa rating, pinapalitan nang bago o sumusubok ng mga bagong mukha.

Pero insulto nga ‘yon sa bidang aktres.”

Kung “devotee” kayo ng aming mga blind items, mahuhulaan n’yo agad.

 

By Ogie Diaz