Ser Chief, excited na sa teleserye nila ni Judy Ann Santos

ADVERTISING

Ser Chief, excited na sa teleserye nila ni Judy Ann Santos

Richard-YapMAGSASAMA SA isang light drama teleserye sina Richard Yap at Judy Ann Santos, na ang working title ay Someone To Watch Over Me. Sa March magsisimula ang taping nito at sa panayam namin kay “Sir Chief”, sinabi nitong excited na siyang makatrabaho si Juday na isa rin sa mga hinahangaan niyang artista.

“Hindi pa kami nagkikita, pero si Ryan ( Agoncillo), nagkakilala na kami. I know Juday as a very good actress, masipag at very professional. I’m looking forward sa first meeting namin at sa pagtatrabaho namin,” aniya.

Sa naturang panayam, sinabi ni Richard na “aksidente” lang ang pagiging artista niya at hindi niya akalaing sisikat siya nang husto. Isa siyang businessman at sa isang event ay nakita siya ng isang ABS-CBN staff na noo’y naghahanap ng medyo matured-looking guy para sa Please Be Careful With My Heart.

“Nilapitan niya ako at sabi eh, magpunta raw ako sa ABS para sa look test. Ako naman, nagpunta tapos after nu’n sinabihan akong kasama sa bagong show. Ayun na nga, ginawa namin at nagustuhan ng mga tao. Nagustuhan nila ang story nina Maya at Sir Chief,” kuwento ni Richard.

ADVERTISING

Hapily married si Richard at may dalawang anak na babae. Sabi nito, never nagselos ang kanyang wife sa kanila ni Jodi Sta. Maria.

“Siya pa nga ang nagsasabi sa akin na mas maging sweet ako kay Jodi kahit sa mga mall shows namin. Actually, fan siya ng loveteam namin ni Jodi,” masayang tsika pa ni Richard.

Bukod sa gagawing teleserye with Juday, may mga nakaline-up pang pelikula si Richard sa Star Cinema. May pag-asa pa bang magtambal ulit sila ni Jodi since hindi na matutuloy ang pagsasa-pelikula ng Please Be Careful With My Heart?

“Sana… isa sa mga movie kong gagawin makasama ko ulit siya. I miss her, especially ‘yung pagiging masayahin niya, down to earth, at sobrang maasikasong leading lady,” sey pa ni Richard patungkol kay Jodi.

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

ADVERTISING