Ser Chief at Maya, aabot pa ng March 2014!

ADVERTISING

Ser Chief at Maya, aabot pa ng March 2014!

Ser Chief at Maya, aabot pa ng March 2014!KAGAGALING LANG nina Richard Yap o Ser Chief, Jodi Sta. Maria o Maya at ilan pa nilang mga kasama sa numero unong teleserye ng buong bayan ang Be Careful With My Heart sa Singapore for their world tour.

Una na nilang binisita ang mga kababayan natin sa Middle East at Amerika.

Ilang bansa pa ang kanilang dadalawin, dahil ang alam namin ay hanggang March next year pa mapapanood sa ere ang kanilang serye sa Dos.

Kung hindi kami nagkakamali, sa darating na September umpisahan ang shooting ng Be Careful With My Heart movie version hanggang October.

ADVERTISING

Siyempre, congratulations to Richard na isa sa mga awardee ng People Asia magazine as “Men Who Matter 2013” recently.

Abangan din ang nalalapit na paglabas ng first record album ever ng panakakinikiligan na leading man on TV ngayon which will be released in September!

Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING