Senator Chiz Escudero, idedemanda ng mga magulang ni Heart Evangelista

ADVERTISING

Senator Chiz Escudero, idedemanda ng mga magulang ni Heart EvangelistaSenator Chiz Escudero, idedemanda ng mga magulang ni Heart EvangelistaNAKAKALOKA NAMAN! Nagsisimula nang mag-promote ang My Lady Boss nina Richard Gutierrez at Marian Rivera, sinabayan naman ng malaking isyu nina Heart Evangelista, pati pa itong gulo nina Kris Aquino at James Yap.

Ang ganda pa naman ng dating ng trailer ng pelikula nila at unti-unti nang pinag-uusapan ang magandang chemistry nina Richard at Marian.

Sabi nga ni Richard, parang nakikita raw niya kay Marian ang katauhan ng nanay niya. Palaban kasi si Marian, at sinasabi niya talaga na ipinaglalaban niya ang gusto niya, basta wala lang siyang natatapakang tao.

Sabi pa ni Richard, nakikita niya kay Marian na mabait, maalaga at marunong makisama. Iyon din daw si Annabelle Rama kaya naging close agad ito. Bago pa nga raw naging Marimar si Marian ay nakilala na raw ito ni Richard at nagkasama pa sila sa SOP noon.

Sa April 10 na ang showing ng My Lady Boss at inaasahan din ni Marian na susuportahan ito ng mga fans nila ni Dingdong Dantes na mga Dongyanatics.

ADVERTISING

 

Senator Chiz Escudero, idedemanda ng mga magulang ni Heart EvangelistaANG LAKING gulo na nga itong nangyayari kina Sen. Chiz Escudero at sa magulang ni Heart Evangelista.

Ang tindi ng mga paratang ng magulang ni Heart laban kay Sen. Chiz, pero ayaw pa munang magsalita nito para hindi na lumaki ang gulo.

Kaya lang, pursigido itong magulang ni Heart na palakihin ang gulo at baka aabot pa raw sa demandahan.

Nu’ng kamakalawa lang ay nagpadala ng e-mail ang Mommy ni Heart na si Mrs. Cecilia Ongpauco na may pamagat na Why Our Family Rejects Chiz Escudero.

Nakasaad doon ang mga dahilan kung bakit kontra sila sa relasyon nina Heart at Sen. Chiz.

Ang tindi ng mga paratang nila na bastos daw sa kanila si Sen. Chiz, madalas daw ay amoy-alak ito at meron pang gusto raw ipatanggal ni Sen. Chiz si Mrs. Ongpauco sa kontrata ng aktres sa GMA-7, bilang manager nito.

Madalas din daw ginagamit ni Sen. Chiz ang kotse ni Heart na Mercedes Benz.

Hanggang sa nabanggit nito, pinag-iisipan daw nilang kasuhan si Sen. Chiz.

Nakasaad sa e-mail na ipinadala ni Mrs. Ongpauco; “Since our backs are pushed to the wall, we intend to file cases against Chiz; a criminal case for libel, for claiming in the middle of a family feud; when the truth is, Chiz is the very source of our family feud.

“We might also file an additional criminal compaint for incriminating an innocent person.”

Hay, naku! Ang gulo na talaga!

Kaya wala raw ginawa ngayon si Heart kundi iyak na lang daw nang iyak.

Pinasasalamatan na lang nito ang mga bestfriends niya, na isa na nga rito si Alessandra de Rossi na sumusuporta sa kanya.

Ang curious  ako dito, ano kaya ang masasabi ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na siyang nag-match sa dalawa?

Ang narinig ko kasi, suportado raw ni Sen. Santiago ang mga magulang ni Heart dahil dito naman talaga siya close.

Ang pagkakaalam ko lang, si Sen. Miriam ang nag-ayos ng statement ng mag-asawang Ongpauco na ibinigay sa press.

Abangan n’yo na lang sa Startalk ang kabuuan ng kuwentong ‘yan.

 

AYAW RING paawat itong gulo nina Kris at James, ha!

Pagkatapos na-grant ng korte ang Temporary Protection Order na hiningi ni Kris laban kay James, itong huli naman  ngayon ang magpa-file daw ng hold departure order laban sa anak niyang si Bimby.

Dahil sa kasong isinampa ni Kris laban kay James, pipigilan daw niya ang pag-alis ni Bimby, dahil alam niyang nakatakda silang magbakasyon ni Kris sa Amerika sa darating na Holy Week.

May paliwanag diyan ang abogado ni James na si Atty. Lorna Kapunan. Kaya abangan n’yo rin ‘yan sa Startalk bukas.

 Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING