Sen. Nancy Binay, walang keber kahit laitin nang husto

ADVERTISING

Sen. Nancy Binay, walang keber kahit laitin nang husto

Nancy-BinayNAG-ENJOY ANG mga reporters kay Sen. Nancy Binay nang nakipagtsikahan ito sa kanila nu’ng nakaraang Lunes ng hapon sa Annabel’s Morato.

ADVERTISING

Walang pakialam si Sen. Nancy na pinaglalaruan siya sa social media. Lalo na kung nilalait ang itsura niya, ang pagiging maitim niya, okay lang daw sa kanya ‘yun, dahil totoo naman daw na maitim siya.

Hindi raw siya nasasaktan kapag nakatatanggap siya ng lait. Sabi nga niya, baka roon nga raw siya nanalo dahil sa mga panlalait na natatanggap niya.

Sa nalalapit na SONA ni PNoy, nagpasukat na raw si Sen. Nancy kay Randy Ortiz na siyang gumawa rin ng gown na sinuot niya nu’ng nakaraang taon.

ADVERTISING

Pinutakti ng katakut-takot na panlalait sa suot na ‘yun ni Sen. Nancy. Okay lang daw sa kanya. Kaya nga roon pa rin siya kay Randy magpapagawa ng gown niya, na inaasahan niyang aalipustahin na naman siya nang husto.

Sabi nga niya, malamang na maabot daw niya ang level ng SONA ni PNoy na pag-usapan ito ng mga tao.

Sa totoo lang, iba ang humor ni Sen. Nancy at kumpiyansa siya sa sarili niya. Kaya okay lang siya at walang keber kapag nalalait nang husto.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING