Sen. Jinggoy Estrada, nagsasakit-sakitan din?

ADVERTISING

Sen. Jinggoy Estrada, nagsasakit-sakitan din?

Jinggoy-EstradaNAPE, SHOULDERS down to his ribs ang iniindang sakit kamakailan ni Senator Jinggoy Estrada, dahilan para mabahala ang maybahay niyang si Precy Ejercito. Kailangan daw sumailalim sa MRI (Magnetic Resonance Imaging) ang kanyang asawa.

Having been discharged from a hospital recently, ramdam namin ang kalagayan ni Jinggoy. His incarceration is probably the result of his physical disposition. Hindi birong mabilanggo, where there are days and nights when one’s body fails to function as normally as it can.

Pero sana lang, Senator Jinggoy is not doing an Atty. Gigi Reyes, na sangkot at nakakulong din dahil sa umano’y pakikipagsabwatan nito kay Senator Juan Ponce Enrile sa PDAF scam.

As portrayed in the media—na ginawan pa ng spoof ni Nanette Inventor—pinaiiral lang daw ni Atty. Gigi ang kanyang sakit-sakitang drama to gain public sympathy.

ADVERTISING

But as it is, halatang hypochondriac lang si Atty. Gigi, or one who thinks or pretends that he/she is sick gayong hindi naman.

Magpakatotoo lang sana si Jinggoy, lumang estilo na kasi ang alibi tungkol sa failing health ng mga preso para ma-enjoy nga naman nila ang pribilehiyo under hospital arrest.

A matter of life and death ba ang kanyang karamdaman like Arroyo’s reportedly constricted throat na nabarahan ng melon at broccoli?

 

A FELLOW Pinoy Parazzi columnist wrote last week na mas sosyal daw si Heart Evangelista kumpara sa isang aktres. Ibinase ‘yon ng sumulat—hindi lang sa slightly identical D & G dresses that they wore separately—kundi sa kanilang mga handbags.

As to who between Heart at ng aktres ang mas sosyal –para sa amin is a trivial issue. Wala naman kasi sa intensiyon ni Heart who posted such photo implied that “sino’ng mas sosyal sa amin?” message.

Both Heart and the actress whose picture she posted have the means to pamper themselves with expensive stuff. Sa aspetong ito—kung ito ang gagamiting yardstick ng pagiging sosyal—the two ladies have satisfied the requirement.

Sa PEDIGREE lang talaga sila nagkakaiba, and we certainly don’t mean a brand of a dog food.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING