Sen. Chiz Escudero, todo-tanggi sa tsikang sinapak siya ng asawa ni Sen. Grace Poe

Sen. Chiz Escudero, todo-tanggi sa tsikang sinapak siya ng asawa ni Sen. Grace Poe

Heart Evangelista and Chiz Escudero
Heart Evangelista and Chiz Escudero

“Hindi ko talaga alam kung saan nanggaling ‘yun.

Vice presidentiable Chiz Escudero denied with seeming vehemence ang chikang sinapak siya ni Neil Llamanzares, asawa ni Grace Poe.

“Walang katotohanan whatsoever ‘yun. Magkumpare kami ni Neil,” direktang denial ni Chiz Escudero.
Aniya, “Kami na siguro ni Grace ang pinakamalapit na magka-tandem sa eleksyong ito.

“Si Mar at si Leni ay ngayon lang nagkakilala.

“Si Duterte at si Cayetano, ngayon lang naging close.

“Si Binay at si Honasan, magkaaway pa dati. Kinu-coup (d’ etat) ni Gringo si Cory, kakampi ni Tita Cory si Binay.

“Si Miriam at si Marcos, magkaiba rin. Anti-Marcos si Miriam.”

That said, Chiz felt na “Kami lang ni Senator Grace Poe ang napakaraming pinagdaanan, napakaraming nalampasan. At ‘yung pamilya namin ang pinaka-close sa lahat ng magka-tandem,” mahaba niyang paliwanag.

If it’s any consolation, naisip ni Chiz na “Mabuti na rin na ‘yun ang sinasabi nila kesa sabihin nila na magnanakaw kami o palpak o bobo kami.”

“At least, ‘yung isyu o intriga na pinalalabas nila, maliwanag, walang basehan, at katotohanan.

“Hindi ako naka-shades at wala akong black eye at araw-araw akong lumalabas ng bahay at nangangampanya,” paliwanag pa ng dyowa ni Heart.

Oo nga naman. Sino kayang idiot ang nagpakalat ng chikang sinuntok ni Neil sa Chiz?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas