Sen. Chiz Escudero, sa Paris magpo-propose kay Heart Evangelista?

ADVERTISING

Sen. Chiz Escudero, sa Paris magpo-propose kay Heart Evangelista?

Heart-Evangelista-Chiz-EscuderoSA SUSUNOD na buwan daw ang alis ni Heart Evangelista patungong Paris kasama si Sen. Chiz Escudero.

Ang sabi pa naman ni Heart, pupunta lang daw siya ng Paris kasama ng boyfriend kung ito na raw ang pakakasalan niya.

Kaya si Sen. Chiz na nga talaga ang gusto niyang pakasalan, kaya baka roon na sa Paris mag-propose.

Siyempre ang gusto naman siguro ni Sen Chiz ma-surprise si Heart. Kaya lang, parang pini-pressure na siya ni Heart kaya ayaw na munang magsalita ni Sen. Chiz.

ADVERTISING

Tingin ko kasi riyan parang gustung-gusto na ni Heart na magpakasal, para magkaroon naman siya ng sariling pamilya.

Parang lalong lumalala ang problema niya sa pamilya kaya hindi sila nakadalo sa opening ng exhibit niya.

May isang malaking painting nga si Heart na binigay niya sa Daddy niya pero pagkalipas ng ilang buwan, isinoli raw.

Ang sabi, naka-display daw iyun sa beach house nila, at baka masira lang daw sa salt water.

Kaya isinama na lang ni Heart ‘yun sa exhibit niya at nabili agad. Sabi nga niya, baka mas mahalin at alagaan ang painting na ‘yun sa kung sino man ang nakabili.

Mukhang lumalala nga siguro ang problema nito sa pamilya niya. Ayaw lang niyang magsalita pa tungkol diyan, dahil mas kumplikado raw ito ngayon.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING