Sen. Bong Revilla, reacts to Richard Gomez’ statement

Sen. Bong Revilla, reacts to Richard Gomez' statement

OLA CHIKA! REACT to the maximum level ang ilang showbiz senators sa alegasyon ni Richard Gomez na walang nagawa sa Senado ang mga showbiz senators.

Umalma nga ang guwapong senador na si Bong Revilla sa binitiwang pahayag ni Goma. Ayon sa asawa ni Lani Mercado, may nagawa naman silang bill at joint sila rito ni Sen. Jinggoy Estrada, at kulang na nga lang ay ang pirma ng Presidente para maging ganap na batas iyon.

Pero hindi pa nakuhanan ng aking parazzi girl ng pahayag ang asawa ni Megastar Sharon Cuneta na si Sen. Kiko Pangilinan tungkol sa isyung ito.

Ayon naman sa isa ko pang parazzi girl, kaya ganu’n na lang ang tabas ng dila ni Richard, eh, may balak daw itong tumakbo ulit sa pulitika, huh! Naku, na-lost nga siya dati, malay naman natin ngayon.

Dagdag pa ng aking parazzi girl, ang pinariringgan daw diumano ng asawa ni Lucy Torres ay si Sen. Lito Lapid na wala nga raw itong ginawa sa Senado, at walang naipasang bill, huh! Nakakaloka naman ‘yan. Kaya ganu’n na lang ang kanyang pahayag. Na ikina-alma naman ng ilang senador.

Pilit ko ngang kinukuha ang panig ni Sen. Lito Lapid kaugnay ng isyung ito, pero hindi ko ito makontak. Kaya abangan na lang.

ILAN SA MGA press ang nakapanood ng press preview ng pelikulang pinagbibidahan ni Rosanna Roces, ang Psang Krus, kung saan super-relate ang lahat sa istorya tungkol sa isang ina na sobra ang pagmamahal sa kanyang mga anak. Kahit anong unos o bagyo ng buhay ang dumating, pilit itong naging matatag para lamang sa kanyang mga anak.

Kaya hindi ka tao kapag ‘di ka naiyak sa pelikulang ito. Natawa na nga lang ako nang matapos ang press preview, kanya-kanyang kuha ng tisyu at panyo, ang lahat. ‘Yung iba, pasimple lang. Hahaha! Kaloka!

Namataan ko ring dumating sa nasabing okasyon ang ilan sa mga bida ng pelikula na si Ketchup Eusebio, Christian Burke at Maricar Santos, na gumanap na matalik na kaibigan ni Osang sa pelikulang ito.

Ayon pa kay Maricar, nangyayari nga raw iyon sa totoong buhay, maging sa kanya, kay Direk Neal Buboy Tan, at maging sa akin, huh! Kaya nga nabuo ni Direk Neal ang pelikula, at super-ganda ng kinalabasan.

Ngayong araw nga ang premiere night ng Pasang Krus sa SM Megamall Cinema 10. Kasama sa pelikulang ito sina Rosanna Roces, BJ Morales, Ketchup Eusebio, Empress Schuck, Christian Burke, Joross Gamboa, Maricar Santos, Jao Mapa, at marami pang iba. At siyempre pa, ang inyong lingkod, ‘noh! Kaya watch na! ‘Yun na!

Ooola Chika by Tita Swarding
E-mail: tita_s2006@yahoo.com