Sen. Bong Revilla, mas sigurado raw sa Senado! – Ogie Diaz

ADVERTISING

Sen. Bong Revilla, mas sigurado raw sa Senado! - Ogie Diaz

Sen. Bong Revilla, mas sigurado raw sa Senado! - Ogie DiazWOW! ANG TARAY! Naka-P15 million ang first day gross ng Ang Tanging Pamilya ng Star Cinema at inaasahang ngayong weekends ay lalo pang lalakas.

ADVERTISING

“Magandang birthday gift sa akin ‘yan, mare,” sey ni Ai-Ai delas Alas sa kanyang mismong kaarawan.

“Sana maging Box-Office Queen ka, mare,” biro namin sa kanya.

“Naku, sana nga, magdilang-anghel ka, mare!” Sakay naman ang Ai-Ai.

ADVERTISING

Juice ko, meron pa bang dapat patunayan si Ai-Ai sa takilya?

ITO ANG TINATAWAG na me asim pa si Erap. Sa edad na 74, sino namang artista at that age ang puwede pang pumatok sa takilya, ‘di ba?

Kahit very limited engagement lang ang appearance ni Erap sa Ang Tanging Pamilya, eh, in fairness, me hatid na suwerte pa rin siya sa takilya at aba, mahal pa rin siya ng mahihirap na noon pa ay supporters na niya.

Me magic pa rin ang Lolo Erap. Ewan ko kung gagawa pa siya ng movie o last na ‘yon.

BONGGA ANG BIRTHDAY party ni Tita Malou Choa-Fagar, ang vice-president ng TAPE Inc., ang producer ng Eat… Bulaga!.

Hindi namin alam kung ilang taon na siya, basta ang alam lang namin, edad lang niya ang nagbabago at hindi ang hitsura niya.

Past 11 in the evening na kami dumating pero ‘andu’n pa rin sina Senador Jinggoy Estrada at Bong Revilla with matching Lani Mercado.

Nakausap namin si Bong at yes, confirmed nang tinanggihan niya ang alok ng Palasyo na tumakbo siyang runningmate ni Gibo Teodoro bilang vice-president.

“Mahirap ‘yan, eh. Tatakbo ako kung may sapat akong makinarya. Pero baka kapusin ako.

“Saka ikinunsider ko rin ang desisyon ng dad ko na tumakbo na lang uli akong senador.”

Tama ang desisyon ni Bong. Du’n na siya sa sigurado, ‘di ba?

SI ANJO YLLANA, tatakbo nga ba siyang vice-mayor uli ng Parañaque?

“Hindi muna. Masakit sa ulo! Okay na muna ako rito,” maikling sey ni Anjo.

Naging konsehal si Anjo bago naging vice-mayor. At ang alam naming babalik at tatakbo uling mayor ng Parañaque ay si Joey Marquez. Let’s see kung me asim pa ang Lolo Joey n’yo.

Magkatiket kaya sila ni Alma Moreno na tatakbo uling konsehal?

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!’ sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING