Sen. Bong Revilla Jr., umatras na sa Metro Manila Filmfest

ADVERTISING

Sen. Bong Revilla Jr., umatras na sa Metro Manila Filmfest

Sen. Bong Revilla Jr., umatras na sa Metro Manila FilmfestNALULUNGKOT DIN si Sen. Bong Revilla na hindi na siya matutuloy sa Metro Manila Film Festival.

In-announce na nga ni Chairman Francis Tolentino ng MMDA na umatras na ang pelikulang My Super Kap ni Sen. Bong.

Ang sabi kasi ni Bong, hindi raw talaga kaya na makahabol sila sa deadline dahil 3D pala ang balak nila sa pelikulang ito.

Hindi pa raw sila nagkakatugma sa schedule nina Toni Gonzaga at Ai Ai delas Alas kaya malabo raw talagang matapos nila on time.

ADVERTISING

Nakapanghihinayang din daw dahil hindi talaga ‘yan umaatras, at gusto talaga niyang makasali sa filmfest.

Pero itutuloy pa rin daw nila ang pelikula, kaya lang sa susunod na taon na ito.

Mabuti rin ‘yan para walang pressure na kailangan makahabol sa deadline.

Ang dinig ko, ang ipapalit na pelikula ay ang drama na pagsasamahan daw nina Carla Abellana at Jake Cuenca.

Sa Regal kaya ito?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING