Sen. Bong Revilla Jr., umaasang makapagpipiyansa

ADVERTISING

Sen. Bong Revilla Jr., umaasang makapagpipiyansa

Bong-Revilla-JrHINDI NA ako umabot sa hearing ni Sen. Bong Revilla sa Sandiganbayan dahil mabilis lang pala.

ADVERTISING

Meron daw isang witness nila na hindi nakasipot dahil nagka-Dengue. Tapos ang sabi sa akin, wala naman daw may napatunayan ‘yung ibang witness du’n sa isyu ng Anti-Money Laundering Law na ibinibintang sa kanya.

Hay, naku! Kahit anong pigil pa nila sa akin, magsasalita talaga ako. Kasi hindi talaga tama na ‘yung halagang 87 million pesos kinukuwestiyon sa kanya.

Ano ‘yun? Iyon lang ang pera ni Bong? Sa laki nang kinikita niya sa GMA 7, hindi pa kasama du’n ang mga pelikulang na-produce niya na lahat ay kumita.

ADVERTISING

Sabi nga niya nu’ng nakaraang hearing sa huling interview sa kanya, mahigit isang daang pelikula ang nagawa niya at lahat ‘yun ay kumita. Hindi man blockbuster lahat, pero kumita ‘yun dahil Bong Revilla na siya, ‘no!

Wala nga raw siyang flop kahit isa, kaya kung ‘yun lang ang halaga ng perang ibinibintang sa kanya, panis ‘yan!

Pero sabi nga niya, lahat daw ‘yun ay patutunayan niya sa korte, kaya hintayin na lang natin dahil hinaharap ito lahat ni Bong.

Minsan nga nadadalaw ko siya du’n sa Camp Crame, nakikita kong malungkot siya dahil siyempre hindi na kagaya ng dati na marami ang dumadalaw. Pakonti nang pakonti na karamihan ay pamilya, mga abogado niya, staff at malalapit na kaibigan.

Kaya iniisip na nga niya kung aabutin pa siya ng Pasko du’n, hindi niya maisip kung paano nila i-celebrate ‘yun. Kaya sana nga tuluy-tuloy na rin ang hearing sa bail, dahil alam niyang maga-grant ang bail sa takbo ng mga pangyayari sa kasong ito.

Sabi na lang ni Bong, lahat daw ‘yun ay kaya niyang mapatunayan na wala siyang kasalanan sa sambayanan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING