Sen. Bong Revilla Jr., tatakbo pa rin sa 2016

ADVERTISING

Sen. Bong Revilla Jr., tatakbo pa rin sa 2016

Bong-RevillaHINDI NAAPEKTUHAN si Senator Bong Revilla sa mga bumatikos sa kanyang naging speech sa Senado kamakailan.

Bagkus, naglibot ito sa Quezon City matapos ang nasabing speech para pulsuhan ang mga kababayan kung mahal pa rin ba siya?

Sa paglilibot, nadama pa rin ni Senator Bong ang pagmamahal sa kanya ng mga tao at dahil dito ay walang makahahadlang kung tumakbo siya muli sa susunod na halalan sa year 2016.

Pero bago ang election at anumang haharapin niyang sa korte dahil sa isyu ng PDAF ay nakatutok si Senator Bong sa kanyang Kap’s Amazing Stories na napanonood every Sunday sa GMA 7 at 10:15 ng umaga.

ADVERTISING

Sobrang pagmamahal ang inilalaan ni Senator Bong sa kanyang TV show sa Kapuso dahil nakapagbibigay ito ng aral sa lahat, lalo na sa mga kabataan. Kung makukulong daw siya ay gusto niyang tuloy pa rin at makapag-taping siyang ng Kap’s Amazing Stories.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING