Sen. Bong Revilla Jr. at Sen. Jinggoy Estrada, humihirit na naman ng ‘special privilege’ para makadalaw sa labi ni Kuya Germs

ADVERTISING

Sen. Bong Revilla Jr. at Sen. Jinggoy Estrada, humihirit na naman ng ‘special privilege’ para makadalaw sa labi ni Kuya Germs

Jinggoy-Estrada-Bong-RevillaAlam ba nina Sen. Bong Revilla at Sen. Jinggoy Estrada na pareho sila nakakulong dahil sa isyu ng PDAF?

Heto’t gusto na naman nilang dumalaw sa lamay ni Kuya Germs na sa paglabas ng kolumn na ito ay nasa GMA Studios ang labi ng Master Showman.

Heto’t may hirit na naman ang dalawa at humihingi sila ng pahintulot (read: pabor) na makalabas sila at payagan ng korte.

Kapag mga senador ba ang nakakulong, may mga special privileges?

ADVERTISING

Konting kibot sa buhay nila (birthday, graduation, at kung anu-anong kaeklatan), hihiling sila sa korte na payagan at magkaroon ng passes para makalabas sa kulungan.

Super unfair naman ito sa ibang mga nakapiit na dahil sa kapayakan ng buhay nila sa loob ng kulungan, wala silang mga ganitong klaseng kahilingan (at kung meron man, kadalasang hindi napapayagan) at alam nila mga preso sila.

I remember ‘yong anak ni Ka Roger Rosal na si Andrea na namatayan ng anak dahil sa kakulangan at kapabayaan ng gobyerno ni PNoy na alangan ang kalagayan nito habang nagbubuntis at in detention, humihiling ang mga human rights lawyer na kung maaari ay payagan si Andrea na makipaglibing at maihatid ang anak sa huling himlayan nito sa Sto. Tomas, Batangas, pero denied ang request ng ina at ng mga abogado nito.

Pero kina Sen. Bong Revilla Jr. at Sen. Jinggoy Estrada, suggestion ko lang, mas maganda siguro na tanggapin nila nang maluwag ang sitwasyon nila para mas madali para sa kanila.

Kung ganun din lang naman na napagbibigyan sila, eh, ‘di lahat mag-request na rin para pantay-pantay na at walang favoritism.

Hayaan n’yo nang matapos na ang kaso ninyo para maging “laya” na kayo at p’wede n’yo nang gawin kung ano mang luho ang gusto n’yo.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING