Sen. Bong Revilla Jr., pinalalakas ng tatag ng pamilya

ADVERTISING

Sen. Bong Revilla Jr., pinalalakas ng tatag ng pamilya

Bong-Revilla-JrHABANG NAGDI-DEADLINE ako kahapon, napapanood ko sa TV ang Kap’s Amazing Stories, nalungkot talaga ako.

Sa atin sa showbiz, sino ba naman ang hindi malulungkot sa sinapit ni Sen. Bong Revilla?

Siya pa naman ang isa sa well-loved sa showbiz dahil sa lahat ng tulong na naibigay niya at, sa pagiging malapit niya sa lahat, lalo na sa mga maliliit na trabahador sa showbiz.

Pero kailangan niyang harapin ito, at sabi nga niya, nakahanda naman siya.

ADVERTISING

Kahit nga sabihin pang nakahanda na rin ang pamilya niya, mabigat pa ring tanggapin siyempre.

Bilib nga ako sa katatagan ng buong pamilya, lalo na sina Lani Mercado at ang kanilang mga anak. Paulit-ulit na sinasabi nina Bryan at Jolo na patuloy lang ang pagdarasal na malagpasan nila ito.

Basta ako, kahit ano pang sabihin nila, all-out ang suporta ko kay Bong, at sana nga puwede na kaming dumalaw.

Iniisip ko na nga kung ano ang oorderin ko na mga pagkain para dalhin ko sa kanya, at siyempre pati ang mga guards du’n pakainin ko din, dahil mabait naman daw silang lahat kay Bong.

Heto pa nga, inaabangan na naman natin kung kailan naman susuko si Sen. Jinggoy Estrada.

Handang-handa na rin ito, iniisip na nga raw niyang doon sa kulungan na niya isi-celebrate ang 25th wedding anniversary nila ni Precy Ejercito.

Siyempre, nandiyan pa rin ang suporta namin kay Jinggoy.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING