Sen. Bong Revilla Jr., parang batang dumaraing ‘pag may intriga

ADVERTISING

Sen. Bong Revilla Jr., parang batang dumaraing ‘pag may intriga

Sen. Bong Revilla Jr., parang batang dumaraing ‘pag may intrigaKAKUWENTUHAN NAMIN kamakalawa ng hapon sa isang presscon si Manay Lolit Solis, dahil kami ang mga naunang dumating sa venue. Una naming inusisa ay ang tungkol sa hindi na nga pagkakatuloy ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. na magsali ng kanyang pelikula sa darating na Metro Manila Film Festival. Biglang naudlot ang tsikahan namin ni Manay, dahil nag-ring ang kanyang cellphone, at si Sen. Bong daw ang tumatawag.

ADVERTISING

Kahit hindi namin naririnig ang boses ni Sen. Bong, sa daloy ng tsika at pagsagot ni Manay Lolit sa kanyang pagtawag, ay halata namin na nagsusumbong at naglalabas ng hinaing ang husband ni Congresswoman Lani Mercado sa sikat na talent manager.

“Naku, alam n’yo naman si Bong, kahit Senador na iyon na naniniwala sa anting-anting ek-ek, eh, para naman ‘yung bata na kapag may intriga ay dumaraing sa akin, nagsusubong kasi’y para nga nila akong nanay, ‘di ba?” tsika ni Manay.

Malungkot daw si Sen. Bong, dahil maraming maliliit na trabahador sa pelikula ang nagpaparating sa kanya ng panghihinayang na mawawalan din sila ng trabaho ngayong nalalapit pa naman ang kapaskuhan.

ADVERTISING

“Ayaw naman kasi ni Bong na gumawa ng pelikula na minadali para lang maipalabas. Tsaka isa pa, pinlanong isama si Ai-Ai sa movie, eh, ang dami palang gagawing pelikula ni Ai-Ai, kaya parang isang araw lang sa isang linggo ang maibibigay na mag-shooting sa movie nila ni Bong kung sakali. Kaya next year na lang hahataw si Bong,” wika pa ni Manay.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING