Sen. Bong Revilla Jr., naiyak sa pagdalaw ng principal niya sa elementary school

ADVERTISING

Sen. Bong Revilla Jr., naiyak sa pagdalaw ng principal niya sa elementary school

Bong-RevillaNA-TOUCH NAMAN ako sa kuwento ni Sen. Bong Revilla nu’ng dinalaw ko siya nu’ng nakaraang linggo.

Kinuwento niyang dinalaw raw siya ng principal niya sa elementary school na Good Shepherd School sa Imus, Cavite na kung saan doon siya nakapag-graduate ng elementary.

Sabi niya, 84 years old na raw itong principal niyang si Sister Mary Edward at mahina na, pero talagang nagsadya raw itong dalawin siya sa Camp Crame.

Hindi raw niya mapigilang maluha nang sinabi sa kanya ni Sister Mary na lagi siyang ipinagdarasal.

ADVERTISING

Naniniwala raw si Sis. Mary na makalalabas siya at mapatutunayang mali ang lahat ng ibinibintang sa kanya.

Mukhang may pag-asa naman talaga, pero ayaw na munang mag-expect ni Bong. Basta naniniwala siyang lalabas din naman ang katotohanan at mapatutunayang wala siyang nagawang kasalanan sa bayan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING