Sen. Bong Revilla Jr., nag-iikot sa Metro Manila

ADVERTISING

Sen. Bong Revilla Jr., nag-iikot sa Metro Manila

1 Bong-RevillaTODO-BANTAY SI Sen. Bong Revilla sa taping ng Kap’s Amazing Stories nu’ng nakaraang Biyernes.

Ang dami kasing reporters na naghahanap sa kanya at gusto siyang interbyuhin. Ayaw na ni Sen. Bong magsalita pa pagkatapos niyang magbigay ng privilege speech niya.

Hindi natin alam, any moment darating na ‘yung kinatatakutan natin, kaya pinaghahandaan na ito ni Bong. Pero habang nasa labas siya, talagang tinatapos niya ang lahat ng responsibiididad na dapat niyang tapusin.

Kailangan niyang magbangko ng mga episodes para sa Kap’s Amazing Stories kaya naisisingit pa niyang mag-taping.

ADVERTISING

Pagkatapos ng taping, lumalabas pa siya at pumupunta pa siya sa ilang lugar sa Metro Manila para magpasalamat sa mga taong bumoto sa kanya. Sabi nga niya, kailangan niyang ikutin silang lahat habang may time para magpasalamat.

Sa totoo lang, mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga tao, kaya nga siguro pinag-iinitan siya talaga.

Sa susunod na linggo, hindi natin alam kung ano na naman ang susunod na mangyari, kaya hintayin na lang natin. Paghandaan na lang natin.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING