Sen. Bong Revilla Jr., ‘di mapagbibigyang mag-tape ng weekly show ‘pag nakulong

ADVERTISING

Sen. Bong Revilla Jr., ‘di mapagbibigyang mag-tape ng weekly show ‘pag nakulong

Bong-RevillaTHE BALL is now in the hands of the Sandiganbayan makaraang ibasura ng Ombudsman noong Huwebes ang motion for reconsideration na inihain nina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla sa kanilang plunder case. Kabilang din ang sinasabing utak nitong si Janet Napoles.

Hindi sa pinangungunahan namin ang scenario, pero hindi matatapos ang linggong ito, those charged will be languishing in jail.

Sa tatlong mambabatas, masasabing hindi na ito bago para kay Jinggoy. Matatandaang ang father-and-son tandem nila ng noo’y Pangulo at kasalukuyang Manila City Mayor Joseph Estrada had served their prison terms sa pareho ring kaso under the Arroyo administration.

Ang commonality naman nina Johnny at Bong is that both are willing to be put behind bars.

ADVERTISING

Between the two, si Bong lang ang nakatapak ang isang paa sa mundo ng showbiz. Lingguhan pa ring napapanood ang kanyang “amazing show” sa GMA.

But what’s this we heard na apat na episodes na lang ang paghahandaan ng produksiyon? And in the event of his incarceration, natural na mababakante ang time slot na ‘yon.

So, hindi pala mapagbibigyan ang hiling daw sana ni Bong na kahit sa Camp Crame (na pagdadalhan sa kanila) ay payagan siyang makapag-tape ng kanyang weekly show?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING