Semana Santa ng ilang celebrities

ADVERTISING

Semana Santa ng ilang celebrities

Miyerkules Santo ngayon araw.

Kung ang ibang mga taga-showbiz ay nasa out of town para magbakasyon, ang iba naman ay nangilin at nag-sacrifice kasabay ng pag-o-observe nila ng Lenten Season.

Semana Santa ng ilang celebritiesSi Piolo Pascual, nag-post sa kanyang Instagram account na mag-break muna siya sa IG at babalik na lang next week. In short, no IG posting muna.

Si Tita Anabelle Rama, nagsimula na ng kanyang tradisyonal na Visita Iglesia kay Señor Sto. Nino ng Cebu at sabay na rin ang pasasalamat sa magandang public response ng publiko sa pantaserye ng anak na si Richard Gutierrez na “Ang Panday” sa TV5.

ADVERTISING

Ang mag-inang Sylvia Sanchez, Ria Atayde, at Arjo Atayde kasama ang buo nilang pamilya ay aalis bukas (Huwebes Santos) patungong Hong Kong para mag-bonding. “Sa sobrang kabisihan namin sa work, ngayon lang kami magkakasama. Kami ni Arjo hindi kami nagkikita sa bahay. Nagko-communicate lang kami at nagtatawagan. Ito ang perfect time na magkasama kami.

“Actually, today, Wednesday may taping pa si Arjo ng ‘Ang Probinsiyano’. Sabi ko, dapat nasa airport na siya ng alas-singko ng umaga dahil alas-siete ng umaga ang flight namin,” kuwento ng aktres na si Sylvia sa amin.

Ang komedyanteng si Allan K, sa Rio de Jainero nag-spend ng kanyang Semana Santa.

Si Direk Joey Reyes, sa Japan naman nagliwaliw at nagpalamig sa init ng panahon dito sa Pinas.

Si Vice Ganda nasa Amerika at sa Biyernes Santo, maglo-long drive sila ng mga kasamang mga member ng Team Vice patungong San Francisco (California).

Si Derek Ramsay, nasa Palawan, na sa kanyang IG account, makikita mo ang posting niya na nahahaluan ito ng nakalalasing na “punch”.

Si Solenn Heausaff, nasa Calauit Isand (ang local version natin ng Africa) sa Palawan na earlier sa pagpasok ng Holy Monday, swimming galore na si Solenn based sa IG posting niya kasabay ng taping niya ng 2nd season ng show na “Tripinas”.

Semana Santa ng ilang celebritiesAng aktres na si Lorna Tolentino ay nasa Gen. Aguinaldo sa Cavite ngayong Miyerkules Santo.

Semana Santa ng ilang celebritiesSi Coco Martin, dito lang sa Manila mamalagi sa Semana Santa sa bahay niya sa Fairview. Gusto niyang magpahinga sa halos araw-araw niya pagte-taiping ng action serye niyang “Ang Probinsiyano” na produced ng Dreamscape Entertainment para sa Kapamilya Network na balita namin na mae-extend na naman ito hanggang December?

Bukod sa mangilin, sigurado, babawi si Coco ng tulog at pahinga sa mga susunod na araw habang nakabakasyon ang showbiz.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING