Self-titled album ni China Gerona, idi-distribute ng Star Music

ADVERTISING

Self-titled album ni China Gerona, idi-distribute ng Star Music

China Gerona
China Gerona

Kamakailan nga ay pumirma na ng kontrata ang aming baby na si China Gerona sa Star Music para  maging official distributor ng kanyang bagong self-titled album. At ang first carrier single ay “Sulyap” na napakikinggan na sa inyong favorite FM radio station na MOR 101.9 at Win Radio 91.5.

ADVERTISING

China is 22 years old at nasa poder siya ng mag-asawang Sunny at Sherbet Ilacad.

Laking Amerika si China, pero mas gusto nga niyang makilala rito sa Pilipinas bilang isang magaling na  mang-aawit.

Mga favorite singer niya sina Regine Velasquez, Sarah Geronimo, Martin Nievera, at Gary Valenciano.

ADVERTISING

At oras na marinig n’yo ang kanyang awitin, tiyak na sasabihin n’yong may karapatan nga siyang maging recording artist.

Abangan ang kanyang unang concert na ngayon ay pinaplano na ng kanyang manager.

I-welcome natin si China!

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING