Seff Cadayona, sanay na sanay sa kabadingan

ADVERTISING

Seff Cadayona, sanay na sanay sa kabadingan

Sef-CadayonaFLATTERED DAW ang mahusay na komedyanteng si Seff Cadayona sa tuwing may magko-congratulate sa kanya kapag napanood ang kanyang performance sa kanyang regular shows na Bubble Gang at Vampire Ang Daddy Ko, kung saan parehong bading ang role na ginagampanan nito.
Sisiw na nga kay Seff ang gumanap na bading dahil na rin daw sa dami ng kanyang mga bading na kaibigan ay madali niya raw nakakabisado ang kilos, galaw at pananalita ng mga ito. Kaya naman daw mahusay niyang nagagampanan ang bading role.
Kaya naman daw ‘di apektado si Seff na ma-identify sa mga bading na role, dahil dito naman daw siya nakilala at ito rin ang dahilan kung bakit marami siyang proyekto ngayon.

UpgradeJake Vargas, Michael Pangilinan , UPGRADE, atbp., pinasaya ang mga fans sa Marikina

NAGING MATAGUMPAY ang kakatapos na Riverbank show (Shopalooza Bazar ) sa Marikina last Oct, 32 ng Kapuso stars sa pangunguna ng Master Showman na si German Moreno, kasama ang kanyang Diva Dingdings na sina Johna Chu Chu at Mega Ohlala.
Ka-join din at talaga namang tinilian at pinagkaguluhan ang mga Walang Tulugan stars na sina Jake Vargas, Michael Pangilinan, Aki Torio, Marika Sasaki, Pilyo, Prince Villanueva , Goodvibes at UPGRADE.
Ito’y mula sa imbitasyon nina Butch Rivero and Mr & Mrs. Cesar & Rose Ola of SHOPALOOZA BAZAAR.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING
ADVERTISING